8

1123 Words
NAUNA ng pumasok si Shan sa grocery store para ma-distract siya. Ito ang napapala ng mga umaasa, nabibigo. Una palang ay hindi niya na dapat binigyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa ni Rayleigh para sa kanya. Alam niya dapat niyang ginagawa lang nito ang mga bagay na iyon dahil iyon ang kasunduan nila. Dapat ay hindi niya hinayaan ang sarili niyang mahulog ang loob niya dito. Hindi sana siya nasasaktan ngayon sa kaalamang may girlfriend na ito. Bakit ba siya ganito nalang kung mag-react? Gusto niya lang naman si Rayleigh. Hindi niya naman ito mahal. Pero bakit nasasaktan pa rin siya? Umasa ka kasi na may patutunghan ang mga nangyayari sa pagitan niyo. Siya na rin ang sumagot sa tanong niya. Pasimple niyang pinunasan ang luhang nakaalpas sa mata niya. She only liked him. Why did her heart hurt so much? Tumingkayad siya para abutin ang detergent powder na gusto niya pero hindi niya iyon maabot. Parang si Rayleigh lang, nasa tabi niya lang lagi pero ang hirap abutin. Ipinilig niya ang ulo niya. Naaabnoy na nga siguro talaga siya dahil pati ang simpleng pag-abot sa sabon ay inihahalintulad niya sa nararamdaman niya para kay Rayleigh. Mukhang kailangan niya ng mamundok para maging maayos ang takbo ng bali-baliko niyang utak. Nagulat siya nang may kamay na bigla nalang kumuha ng detergent powder na inaabot niya. Nang lingunin niyo kung sino iyon ay natigilan siya nang mapagtanto niyang si Rayleigh iyon. She felt the familiar beating of her heart. Gusto niya ng magmura dahil kahit alam niyang hindi na dapat siya nakakaramdam ng gano’n kay Rayleigh at hindi niya pa rin mapigil ang makulit niyang puso. Kung hindi lang siya magmumukhang tanga, kanina pa siya tumakbo palayo dito. Pero imbes na iyon ang gawin niya ay nakipagtitigan pa siya sa lalaki. Hindi niya alam kung saan galing ang lakas ng loob niya ngayon pero ipinagpasalamat niya na rin iyon dahil ayaw niyang mabuking nito ang nararamdaman niya. “Salamat,” labas sa ilong na sambit niya saka kinuha dito ang detergent powder at itinulak ang cart niya palayo dito. Naramdaman niya ang paghabol sa kanya ni Rayleigh. “Hey, what’s wrong? Bakit bigla kang natahimik? Masama ba ang pakiramdam mo?” Stop acting so kind to me because I might fall harder, you idiot! “Okay lang ako. Medyo nahilo lang ako dahil sa init ng araw.” “Ako na ang magtutulak ng cart mo,” alok nito pero bago pa nito mahawakan ang cart ay mabilis niya iyong iniwas dito, dahilan para aksidente niyang matabig ang rack kung saan naka-display ang mga junk foods kaya kumalat iyon sa sahig. Natatarantang pinulot niya ang mga iyon para ibalik sa dating ayos pero sa estado ng nararamdaman niya ngayon, isa iyong imposibleng task para sa kanya. Lalo niya lang kasing nagugulo ang rack. May ilang boy na ang tumulong sa kanya para maibalik sa ayos ang mga nagulo niyang items kaya medyo naayos na iyon. “I’m sorry,” hinging paumanhin niya sa mga nagtatrabaho doon. “Hindi ko sinasadya.” “Okay lang po `yon, Ma’am,” pag-aassure ng isa sa mga ito.  Naramdaman niya ang pagkapit ni Rayleigh sa braso niya at wala sa isip na tinabig niya iyon. Nagtatakang tinitigan siya nito pero nag-iwas lang siya ng tingin. Bakit ba lapit pa ito ng lapit sa kanya? At bakit mabait pa rin ito sa kanya kahit na may girlfriend na ito? Oo nga pala. Hindi nito alam na may gusto siya dito. Kaya wala itong kasalanan. It was solely her fault for asking too much from him. Magkaibigan sila kaya natural lang na tulungan siya nito. Ang utak niya lang ang tumatanggi dahil pakiramdam niya ay hindi na gumagana ang puso niya. Nasa state of shock pa rin ata siya hanggang ngayon dahil sa nalaman niya. Narinig niyang napabuntong-hininga si Rayleigh saka ito umuklo para magpantay ang mga mukha nila. Nagulat siya nang masuyo nitong haplusin ang pisngi niya. “Look, Shan. You don’t need to cry,” wala sa loob na dinama niya ang pisngi niya. Oo nga. Umiiyak siya. “Hindi mo naman ginustong guluhin ang items nila. Aksidente iyon at naiintindihan nila iyon.” Lumapit na rin sa kanya si Ella para aluin siya. “Oo nga, Shan. Hindi naman kita sisisihin sa pagkagulo ng items. Huwag ka ng umiyak. Atsaka tumayo ka na diyan, kaya na ng mga empleyado ko na ayusin ang mga iyan.” Hinayaan niyang itayo siya nina Ella at Rayleigh. Pero taliwas sa alam ng mga ito, hindi naman siya umiiyak dahil sa nadisgrasya niyang items. Umiiyak siya dahil nakikisimpatya siya sa kabiguan ng puso niya.  Blessing in disguise na rin pala ang pagkaka-disgrasya niya sa mga paninda ni Ella. May rason kasi siyang umiyak kahit na hindi naman talaga iyon ang dahilan kung bakit siya nagdadrama. Iginiya siya ni Ella sa private office nito at pinainom siya nito ng tubig para kumalma siya. “Shan naman, eh,” reklamo nito. “Hindi mo naman na kailangang iyakan ang mga paninda kong iyon. It’s not as if I can’t sell them dahil nalaglag sila sa sahig. Come on, tumahan ka na.” Kumuha siya ng tissue paper at pinunasan niya ang mga luha sa pisngi niya. She even blew her nose on it. Ilang sandali pa ay unti-unti na rin siyang kumalma. Nagpasalamat siya kay Ella dahil sa pag-aasikaso nito sa kanya. “Ang mabuti pa, iuwi nalang muna kita,” suhestiyon ni Rayleigh. “And I won’t take no for an answer.” “Mabuti pa nga,” sang-ayon dito ni Ella. “Ibigay mo nalang sa `kin `yung mga items na bibilhin mo at ako na ang bahala doon.  Idadaan ko nalang sa bahay mo mamaya pag-uwi ko.” “Okay,” ibinigay niya dito ang listahan ng grocery items na kailangan niya. “Pasensya na talaga, ha?” “Sinabi ng okay lang `yon, eh,” binalingan nito si Rayleigh. “Hala! Ihatid mo na ang babaeng `yan at baka ngumawa pa uli `yan dito. Nakakahiya sa mga customers ko.” Alumpihit siyang tumayo at sa back door nalang sila dumaan ni Rayleigh para makaiwas sa mga nagtatanong na mata ng mga tao sa labas. Sa durasyon ng biyahe nila pabalik sa bahay niya ay hindi na uli siya umimikl. Mukhang nahalata ni Rayleigh na ayaw niyang magsalita kaya hinayaan nalang siya nito. She really needed to go elsewhere. Hanggat nakikita niya kasi si Rayleigh, mas lalo siyang mahihirapang kalimutan ang damdaming unti-unting umuusbong sa puso niya. Damdamin na ngayon palang ay kailangan niya ng patayin. And she just knew the perfect getaway. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD