KALALABAS lang ni Shan ng bahay nang makasalubong niya si Jajing. Kasama nito ang kapitbahay nilang si Haru. “Saan ang punta niyo?”
“Sa grocery store ni Ella,” sagot nito. “Ikaw?”
“Doon din.”
“Sabay na tayo kung ganoon,” yaya sa kanya ni Haru.
Halos nangangalahati na sila ng nalalakad nang maramdaman niyang may tumabi sa kanya. Paglingon niya ay nakita niya ang nakabisekletang si Rayleigh.
“Magandang hapon,” bati nito sa kanilang tatlo.
“O, saan ang punta mo, Ray?” tanong dito ni Haru.
“Sa grocery store.”
“Kung gano’n isabay mo na si Shan,” turan ni Jajing.
“Bakit? Saan ba ang punta niyo?”
“Sa grocery store din.”
“Eh, bakit hindi nalang tayo magsabay?” nakakunot-noong tanong ni Rayleigh.
“Naiwan ko kasi `yung wallet ko. Babalikan ko lang sandali,” palusot ni Jajing. But she knew better. Alam niyang binubuyo lang siya nito kay Rayleigh. Mukhang hanggang ngayon kasi ay ongoing pa rin ang pustahan ng mga ito. “Sasama sa `kin si Haru,” siniko nito ang pobreng lalaki. “Diba?”
“Oo na,” nagpapumanhing ngumiti si Haru. “Pasensya na, pare. Sige. Mauna na kayo.”
Bago pa siya makahirit ay nakalayo na ang dalawa at naiwan silang dalawa ni Rayleigh na nakasunod ang tingin sa papalayong pigura nina Jajing at Haru. Nang hindi na nila matanaw ang mga ito ay nagkatinginan nalang silang dalawa. Lintek! Hindi niya mapigilan ang sarili niyang mailang dahil sa bagong tuklas niyang damdamin para dito. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam kung anong magiging reaksyon niya kahit halos dalawang araw silang hindi nagkita nito.
“Gusto mong umangkas nalang para mabilis tayong makarating sa grocery store?” alok nito sa kanya. Nakita nito ang pag-aalangan sa mukha niya. “`Wag kang mag-alala. Maingat naman akong mag-bike.”
Tumango siya at akmang sasakay siya sa likuran nito pero pinigilan siya nito.
“Huwag ka diyan. Baka magalusan ang binti mo sa kadena. Dito ka nalang umangkas sa harap ko.”
Alumpihit na lumapit siya dito at umangkas sa bisekleta nito. Nang masiguro nitong okay na siya ay umalis na sila. Noong una ay ilang na ilang siya sa sitwasyon nila pero pagkalipas ng ilang sandali ay unti-unti na rin siyang na-relax. Itinuon niya nalang ang tingin niya sa kalsada para pagtakpan ang nararamdaman niya. Nagwawala na kasi ang puso niya sa sobrang tindi ng nararamdaman niya ngayon. Nag-aalala na nga siya na baka naririnig ng lalaki ang lakas ng t***k ng puso niya. Damn! Her poor heart was not ready for this.
“Okay ka lang ba diyan?” tanong nito sa kanya.
“Oo.”
“Sabihin mo lang kung nasasanggi ka ng kadena o hindi ka komportable.”
“Okay lang ako. Just… bike.”
Sa loob ng durasyon ng pagsakay niya sa bike nito ay pakiramdam niya, anumang sandali ay bibigay na ang pobre niyang puso. Kung pwede lang kasi iyong makawala sa dibdib niya, baka nagtatakbo na iyon palayo sa lalaki. Habang patagal ng patagal niya kasing nakakasama ang lalaki ay lalo niya lang nararadaman ang unti-unting pagnakaw nito ng puso niya sa kanya.
s**t! Akala niya ay imbento lang ng mga romance writer na gaya niya ang mga ganoong klaseng pakiramdam pero nagkamali siya. Pwede pala talaga iyong maramdaman sa totoong buhay at isa ang nararamdaman niya sa mga living proof na meron talagang nag-e-exist na ganoon katinding damdamin kapag kasama mo ang lalaking gusto mo.
Laking pasasalamat niya nang marating na nila ang grocery store ni Ella. Nanlambot ang tuhod niya kaya muntik na siyang masubsob sa kalsada kung wala lang matatatag na bisig ang sumalo sa kanya. Nang mag-angat siya ng tingin ay nagtama ang mga mata nila ni Rayleigh. s**t talaga! Kapag nagtagal pa silang ganoon, sigurado siyang mahahalata na nito ang lihim niyang pagnanasa sa lalaki. Pero kahit alam na niya ang kalalabasan ng mga nangyayari, hindi niya magawang lubayan ng tingin ang mga mata ng lalaki. Damn! She was really dead. Hindi pwedeng magpatuloy pa ang ganoong nararamdaman niya. Baka kasi bigla nalang siyang himatayin sa sobrang lakas ng t***k ng puso niya.
“Uy, may Rated SPG scene!”
“Picture-an niyo, dali!”
“Sa wakas, may maipo-post na tayo sa couple’s board ng Coffee Corner!”
Gusto niyang halikan ang mga istorbong iyon dahil iniligtas ng mga ito ang pobreng puso niya sa tuluyang pagkahumaling sa lalaki. Tila napapasong lumayo siya dito at binalingan ang mga istorbo. Ang nakangising mukha nina Carmela, Wind at Ree ang nabungaran niya. Mukhang nasaksihan ng mga ito ang buong drama nila ni Rayleigh kaya abot hanggang tengga ang ngisi ng mga ito.
Tumikhim si Ree at itinapat sa kanya ang nabili nitong talong na tila ba isa iyong microphone. “So, anong ibig sabihin ng kakatapos lang na eksena niyo ni Rayleigh? Kayo na ba?”
“No,” si Rayleigh ang sumagot para sa kanya. “Don’t ask for the impossible. Alam niyong hindi mangyayari iyon.”
Natahimik ang tatlo nang marinig nito ang sinabi ni Rayleigh. Walang sinuman sa mga ito ang nangahas na magsalita. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at lupa nang marinig niya ang sinabi ni Rayleigh. Anong ibig nitong sabihin sa imposibleng maging sila at hindi mangyayaring maging sila? Ayaw ba nito sa kanya? Disappointment flooded her system. Mukhang nahalata iyon ni Ree kaya bigla itong kumambiyo.
“Uy, Ray. `Wag kang magsalita ng tapos. Sige ka. Kapag ikaw, na-in love kay Shan, tatawanan ka talaga namin.”
Nagkibit-balikat lang ang lalaki na tila wala man lang itong pakialam sa kanya. “I told you, it won’t happen. May girlfriend na ako.”
Ano?! May girlfriend na ito? Pero bakit hindi niya nabalitaan iyon? Kunsabagay, hindi naman kasi siya tsismosang tao. Hindi niya inaasahan iyon. Pakiramdam niya tuloy ay sinaksak ng paulit-ulit ang puso niya. Gusto niya ng umiyak pero pinigilan niya ang sarili niya. Hindi siya pwedeng basta nalang umiyak sa harap ng mga ito dahil magmumukha siyang tanga.
Kung may girlfriend na ito, anong ibig sabihin ng mga ka-sweet-an na pinakita nito sa kanya nitong mga nakaraang araw? Kunwari lang ba iyon? Iyong sinabi nitong maganda siya, sinabi lang ba nito iyon para pagaanin ang loob niya dahil sa palpak na date nila ni Ace? At ang mga kabutihang pinakita sa kanya, wala bang ibig sabigin iyon?
Assuming ka kasi. Ayan, bigo ka tuloy ngayon.