6

1868 Words
“I’M REALLY sorry, Shan. Promise, sa susunod sisiguraduhin ko ng hindi ako makikilala ng mga fans ko,” hinging paumanhin ni Ace sa kanya. Nasa kotse sila nito at kararating niya lang sa tapat ng bahay niya.             Their date turned out to be at total disaster. Buong magdamag kasi ay kinuyog lang si Ace ng mga fans nito at wala itong magawa kundi pagbigyan ang mga iyon. Siya naman ay nasa isang sulok lang habang pinapanuod ang mga ito sa loob ng dalawang oras. Ni hindi nga siya nakakain ng maayos kaya medyo gutom pa rin siya hanggang ngayon. Nakangiting nilingon niya si Ace.             “Forget about it, Ace. Okay lang talaga sa `kin,” pag-aassure niya dito. Alam niya kasing hindi naman ginusto ni Ace ang mga nangyari. Tinanggal niya na ang seatbelt niya. “I better go. Medyo inaantok na kasi ako.”             “Sorry talaga, Shan, ha? Babawi ako next time.”             “Yeah, sure.”             Bumaba na siya ng kotse at hinintay niya munang makaalis si Ace. Ilang minuto na itong wala pero nakatayo pa rin siya sa kalsada. Umupo siya sa bermuda grass sa tapat ng mababang wooden fence niya at tumingin sa langit. Dim lang ang ilaw ng mga lamp post sa village nila kaya nakikita niya pa rin ang mangilan-ngilang bituin sa langit. Tinatamad pa siyang kumilos kaya hinayaan niya muna ang sarili niyang nakaupo doon.             “Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?”             Awtomatikong napalingon siya nang marinig niya ang baritonong tinig ni Rayleigh. Nakasakay ito sa bisekleta sa kanang gawi niya bitbit ang isang plastic na sa tingin niya ay groceries ang laman. Mukhang galing ito sa 24/7 convinent store sa may b****a ng village nila. Sumandal siya sa wooden fence para mapagmasdan niya ng mas maayos si Rayleigh. Naka-puting t-shirt ito na pinatungan ng jacket na may hood at puting pajama. He really looked good in everything that he wears. Kung gugustuhin nito, sigurado siyang papasa din ito bilang model. With his good looks, towering height and nice built, mga taong wala lang sa tamang katinuan ang tatanggi dito.             “Ikaw? Bakit gabi ka na nag-grocery?” balik-tanong niya dito.             “Ngayon ko lang kasi napansin na wala na pala akong stock sa bahay,” bumaba ito sa bisekleta nito at tuluyang humarap sa kanya. “Kararating mo lang? How’s your date?”             “Disaster,” walang ganang sagot niya. “Naubos lang ang oras namin sa page-entertain ni Ace sa mga fans niya. I didn’t even have the chance to eat well.”             Kumunot ang noo nito. Mukhang hindi nito nagustuhan ang narinig nito. “Gusto mong pumunta sa bahay? Ipagluluto kita ng pagkain para hindi ka magutom mamayang gabi. I assume, magsusulat ka pa kaya kailangan mong kumain ng maayos.”             Hindi na siya nag-inarte pa. Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa bermuda grass. At pinagpagan ang suot niyang dress. Sumabay siya dito sa paglalakad habang ito naman ay hila-hila ang bisekleta nito. Dalawang bahay lang ang pagitan ng bahay nito sa bahay niya kaya ilang sandali lang ay nandoon na sila. Pagpasok niya ay hindi niya mapigilang mapahanga sa bahay nito. Simple lang iyon pero magandang tingnan. Napansin niya din na maayos ang lahat ng gamit na nandoon at wala man lang siyang makitang ni katiting na alikabok sa kahit anong kasangkapan. Hindi niya tuloy mapigilan ang mahiya dito. Kabaliktaran kasi nito ang bahay niya. Naturingan siyang babae pero mas masinop pa si Rayleigh kaysa sa kanya.             Napansin niya ang piano sa sala nito. Bukod doon ay may gitara din doon, isang acoustic at isang electric. Kahit wala sa itsura ni Rayleigh ay music enthusiast pala ito. Dumiretso ang lalaki sa kusina kaya sinundan niya ito doon. Pati ang kusina nito ay nasa tamang ayos din.             “Nice house,” komento niya. “Neat freak ka pala.”             “Yeah,” sagot nito. “Imagine my shock when I see your house.”             Hindi niya mapigilang matawa dahil sa sinabi nito. Nagbalik kasi sa isip niya ang itsura nito noong bistahan nito ang bahay niya dati. “Sorry uli.”             “Nah, its fine.” Kumuha ito ng cold cuts sa ref nito at binabad nito iyon sa tubig. Hinayaan niya lang itong kumilos habang siya ay tahimik lang na nakamasid dito. Nangalumbaba siya sa lamesa habang nakatitig sa likod nito. Even with that stupid apron, he still looked great. Ano ba `yan! Lahat nalang yata, bagay dito. At napapansin niya rin na lagi niya nalang pinupuri ang lalaki. Ibig bang sabihin iyon ay gusto niya na ito? No, tanggi ng isip niya. I’m just appreciating his looks. Ilang minuto lang ay luto na ang pagkain nila. Naghain na ito sa lamesa para sa kanilang dalawa. IIang sandali pa ay sabay na nilang nilalantakan ang niluto  nito. “Pasensya ka na kung `yan lang ang nahanda ko,” sambit nito pagkatapos nitong nguyain ang pagkain nito. “Okay na `to, `no! Gutom na gutom ako kaya wala akong karapatang magreklamo sa mga mabubuting pusong nagpapakain sa akin.” “Remind me to punch Ace tomorrow. Kung alam ko lang na gugutumin ka niya, hindi ko sana siya hinayaang maka-date ka.” Hindi niya mapigilang mapangiti. Even if her date turned out to be a disastrous one, bawing-bawi naman iyon nang makasama niya na si Rayleigh. Bukod kasi sa hindi siya sinusungitan nito ngayon, nakikita niya pang totoong concern ito sa kanya. She really liked seeing him fussing over her. Kaya lang, sa tuwing ginagawa nito iyon ay binibigyang malisya agad iyon ng malandi niyang puso. “Its fine, Ray,” nakangiting pag-aassure niya dito. “I feel better now, thanks to you.” “Hmm.” Saglit na nabalot ng katahimikan ang pagitan nila. It wasn’t an eerie silence instead the silence somewhat calmed her. And she was feeling better and better every passing moment. Pero hindi rin siya nakatiis dahil maya-maya lang ay nagsalita siya. Gusto niya kasing marinig pa ang boses nito. Weird. Bakit bigla yatang sumipag siya sa pagsasalita ngayon? Epekto ba `yon ng nagugutuman? “Ano nga palang trabaho mo?” tanong niya dito. “Hindi kasi kita napapansin na lumalabas madalas kaya nagtataka ako kung anong trabaho mo.” Saglit siya nitong sinulyapan bago nito ibinalik ang tingin sa kinakain nito. “I’m a composer. Kilala mo ba `yung bandang the Scourge? Kaming dalawa ni Misha ang nagko-compose ng mga kanta nila.” “Talaga?” nanlaki ang mga mata niya.  Hindi niya mapigilang humanga sa lalaki. Paborito niya kasing banda ang the Scourge. “Ang pinakapaborito kong kanta ng Scourge, `yung Brand New Melody.” “I composed that one. Pati `yung Last Phrase of Love, Knocking in My Mind at Bittersweet Memories.” “Wow! Talaga? Paborito ko ang lahat ng `yon! You’re good.” “Thanks,” nag-angat ito ng tingin kaya nagsalubong ang tingin. Damn! His lazy eyes were really captivating! “May bago akong kino-compose ngayon. Gusto mong marinig?” “Pwede?” “Of course,” sagot nito. “Hindi ko pa tapos ang kantang iyon. I want to know your opinion since you’re one of Scourge’s fans. I’ll let you hear pagtapos nating kumain.” “Yey!” excited na sambit niya saka binakbakan ang pagkain niya. Natigil lang siya sa pagkain nang mapansin niyang nakatitig sa kanya si Rayleigh. Natatanong ang mga matang tiningnan niya ito. “Bakit? Madumi ba ang mukha ko?” “Hindi,” sumandal ito sa kinauupuan nito. “Napansin ko lang na malakas kang kumain. Noong unang beses kitang nakita sa Coffee Corner, kumakain ka rin.” “Yeah, at ininsulto mo ako.” “Hey, I told you hindi kita iniinsulto. Anyway, again, I’m sorry about that.” “Kalimutan mo na `yon,” nginitian niya ito. “Pinapatawad na kita. Nag-exagerate lang ako `non. Hindi naman talaga dapat ako nagalit ng gano’n sa `yo.” “Kasalanan ko naman so I guess, I deserved it,” tinitigan siya nito. “So? Are we good?” “Yeah. Pwede mo na ring itigil ang usapan nating dalawa.” “No. Itutuloy ko pa rin iyon. Hindi ako ang klase ng taong hindi tinutupad ang mga salitang binitiwan ko. I’ll still continue cleaning your house and feeding you until our contract ends.” “Ikaw ang bahala.” Nang matapos silang kumain nito ay iginiya siya nito sa sala. Kinuha nito ang acoustic guitar nito at tumabi ito sa kanya sa sofa. Nakamasid lang siya dito habang tumitipa ito. Maya-maya pa ay pumailanlang sa sala ang malamyos na boses nito. “Don’t say you’re going far away. It hurts me when I see you sway. You turn to things when I look outside. And you pretend that you don’t see me walk inside. There was this time that I have failed, there was this time I needed you most. There was this time that I was scared… to love you again. ‘Cause baby you just won my heart, so please make up your mind. Just take another step closer to me, and you will see… the heart in me.” Tumitig ito sa kanya at maging siya ay napatitig na lang rin dito. She couldn’t explain but she felt that there was something magical happening between the two of them. Her heart was fluttering as she stared at the most amazing pair of brown eyes she had ever seen her whole life. Hindi niya mabasa ang iniisip ni Rayleigh pero may nababasa siyang emosyon sa mga mata nito, emosyon na hindi niya mapangalanan dahil dagli rin iyong nawala. “You liked it?” “Yeah. Its really nice.” Pakiramdam niya ay nahulog ang puso niya nang sa unang pagkakataon simula nang magkakilala sila ay ngitian siya nito. Kung gwapo ito kapag seryoso ito, di hamak na mas gwapo ito kapag nakangiti. He was ten folds more handsome whenever he smiles. Kung may dala lang siyang camera ay kukunan niya talaga ito ng picture. Something as magnificent as his smile should be always remembered and treasured. At sinisigurago niyang hinding-hindi niya makakalimutan ang ngiting iyon habang nabubuhay pa siya. Napatulala nalang siya kay Rayleigh nang masuyo nitong hawiin ang ilang hibla ng buhok niya na bahagyang tumatabon sa mukha niya. “Oh, yeah. I forgot to tell you something,” nakagat niya ang ibabang labi niya nang muling ngumiti ang lalaki.  “You look beautiful tonight. That idiot Ace is a fool para ipagpalit niya ang pagkakataon niyang makasama ka sa pag-eentertain ng mga fans niya.” That was it! Suko na talaga siya! Crush niya si Rayleigh! Crush? Ano ka, high school student? Beinte siyete ka na, Shanela. Fine, she liked Rayleigh. Could anyone blame her for liking this sweet guy? xx By the way, the song that I used here is "The Heart In Me" by Migz Haleco. He wrote this song a few years ago. Please check him out. His original songs are super nice.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD