5

928 Words
“GOOD morning,” bati ng kung sino mula sa likuran niya. Napilitan tuloy siyang lumingon para malaman kung sino iyon. She was greeted by Rayleigh’s handsome face. Naka-puting jogging pants ito at puti ring t-shirt. Mukhang kagigising lang nito dahil gulo-gulo nanaman ang buhok nito at doon nito balak mag-breakfast sa Coffee Corner. “Good morning din, Ray,” nakangising bati ni Ree. Binati rin ito nina Jajing, Carmela at Ella. “Ang aga mo `yata?” “Tinatamad akong magluto ng breakfast kaya dito nalang ako kakain,” bumaling ito sa kanya. His face emits no emotion. Kahit kailan talaga ay poker faced ang lalaking ito. “Good morning, Shan.” “`Morning,” aniya saka niya ibinalik ang tingin niya sa kinakain niya. Napapansin niya nanaman kasi ang kakaibang reaksyon ng puso niya sa tuwing tinititigan niya ito. “Oo nga pala, Ray,” singit ni Ree. “Libre ka ba ngayong gabi? Baka gusto mong makipag-date? May kaibigan kasi kaming naghahanap ng ka-date, eh.” “Sino?” Nginuso siya ni Ree. “Si Shan. Ewan ko nga kung anong pumasok sa utak ng babaeng `yan at naisipan niyang makipag-date ngayon. Hindi niya kasi ugaling maghanap ng makaka-date. Baka pinasukan na ng hangin ang utak kakatitig sa monitor,” tinitigan niya ng masama si Ree para iparating dito na hindi niya nagugustuhan ang pagbubugaw nito sa kanya sa lalaki. Pero ang magaling niyang kaibigan, ni hindi man lang pinansin ang masamang tingin niya dito. “So? Are you free tonight?” Ilang sandaling nanatiling nakatitig sa kanya si Rayleigh. Iniiwasan niyang magtama ang mga mata nila dahil baka mabuking ng mga luka-luka niyang kapitbahay ang kakaiba niyang reaksyon kapag malapit lang si Rayleigh. Sigurado kasi siyang hindi palalampasin ng mga ito ang pagkakataong maasar siya kapag nalaman ng mga ito ang nararamdaman niya para sa lalaki. “Sorry,” iyon ang lumabas sa bibig ni Rayleigh. “May mga trabaho akong kailangang tapusin mamayang gabi kaya hindi ako pwede,” may tinawag ito sa kabilang mesa at lumapit iyon sa pwesto nila. Nakilala niya naman agad kung sino iyon---si Ace, ang isa sa mga notorious playboys sa village nila. “Pare, gusto mo bang maka-date si Shan?” Nakaramdam siya ng konting disappointment nang tumanggi si Rayleigh. Ay, hala! Bakit siya nakakaramdam ng gano’n? It was not as if gusto niyang maka-date si Rayleigh. Oo, tama. Napatingin nalang siya sa kararating lang na si Ace. “Sure!” enthusiastic na sagot ni Ace. Nginitian pa siya nito na tila masaya itong maka-date. Nahihiya na tuloy siyang tumanggi. Naiilang kasi siyang maka-date si Ace dahil sikat itong model. Siguradong pagkakaguluhan ito kapag lumabas silang dalawa. Mukhang nahalata nito ang pinag-aalala niya kaya agad siya nitong in-assure. “Don’t worry, Shan. Sisiguraduhin kong hindi masisira ang gabing ito.” Napangiti na rin tuloy siya. Ibang klase talaga ang mga lalaking playboy. Alam na alam kasi ng mga ito kung paano pagaanin ang loob ng mga babaeng nakakasalamuha nito. And they always knew the right words to say. Mukha namang enjoy kasama si Ace kaya malamang ay mag-e-enjoy sila sa date nila. It was her first date, after all. Kaya hanggat maaari ay ayaw niyang masira iyon. “Hoy, Ace. Siguraduhin mo lang na mag-e-enjoy `yang si Shan, ha?” singit nanaman ni Ree. “First date niya `to kaya `wag na `wag kang gagawa ng kahit anong bagay to upset her. Tatamaan ka talaga sa `kin.” “It’s your first date?” nakakunot-noong tanong ni Rayleigh. “As in?” “Yeah,” nagtatakang sagot niya. Bakit parang biglang na-badtrip si Rayleigh? Hindi naman nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Poker faced pa rin ito pero pakiramdam niya ay nagbago ang mood nito. Anong nangyari dito? Hindi niya nalang iyon pinansin. Guni-guni niya lang siguro iyon. “I’ll pick you up at eight, Shan,” nakangiting sambit ni Ace. Tumingin ito sa wrist watch nito. “I have to go. Baka ma-late ako sa photoshoot ko ngayon. See you tonight.” “Yeah, see you.” Umalis na ito at naiwan silang anim. Nakatitig lang sa kanya si Rayleigh at mukhang may gusto itong sabihin pero sa bandang huli ay ipinasya nitong umalis nalang. Pumunta na ito sa counter para um-order ng makakakain nito. Napasunod nalang siya ng tingin dito. Napukaw lang ang pansin niya nang marinig niyang magsalita uli sina Ree. “Ayan! May date ka na mamayang gabi!” “Yehey!” “Magdiwang tayo!” “Banzai!” “Mag-ayos ka, ha?” paalala sa kanya ni Ree. “Para naman hindi ka magmukhang basahan sa tabi ni Ace mamayang gabi. Okay?” “Oo na.” “Hay, naiinggit ako,” nakapangalumbabang sambit ni Jajing. “Makapag-hanap nga rin ng makaka-date mamayang gabi.” “Ako din!” segunda ni Ella at Carmela. Nagsipulasan na ang mga ito at nakipag-usap sa mga kapitbahay nilang lalaki na kasalukuyang nagbe-breakfast din doon. Dalawa nalang sila ni Ree ang naiwan sa lamesa. Pinagpatuloy niya na ang pagkain na nakalimutan niya na. Nang maubos niya iyon ay nagpaalam na siya kina Ree at nagbalik na siya sa bahay niya.   Parang feel niyang maglinis ngayon ng bahay. Napakunot-noo siya. She had a date tonight. Bakit imbes na magpaganda siya ay ang paglilinis ng bahay ang unang pumasok sa utak niya? Nagkibit nalang siya ng balikat at sinimulan niya ng maglinis ng bahay niya. Kailangan niyang matapos agad dahil kailangan niyang maghanda para sa date nila mamaya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD