2

499 Words
ABALA si Shan sa pagta-type nang marinig niyang may kumakatok sa pinto niya. Ayaw niyang tumatayo o naiistorbo siya sa tuwing nagsusulat siya. May tendency kasi na mawala ang momentum niya kaya ayaw niyang nadi-distract siya. At alam iyon ng lahat ng kapitbahay niya kaya alam niyang hindi siya kakatukin ng mga ito kung hindi lang mahalaga ang sadya ng mga ito. Napipilitan siyang tumayo para tingnan kung sino iyon. Pagbukas niya ng pinto ay napakunot-noo siya nang mabungaran niya ang antipatikong lalaki na nang insulto sa kanya two days ago. Ano kayang kailangan ng lalaking ito sa kanya? “Anong kailangan mo?” masungit na tanong niya dito. “I came to give you these,” inabot nito sa kanya ang Tupperware na sa tingin niya ay may lamang pagkain. “Pasensya ka na kung ngayon lang ako nakapunta dito. Medyo busy kasi ako nitong mga nakaraang araw.” Oo nga pala. Ngayon niya lang naalala ang kasunduan nila. Masyado kasi siyang naging busy sa nobela niya kaya nakalimutan niya na ang tungkol doon.  “Can I come in?” Nilakihan niya ang bukas ng pinto para makapasok ito. Nakasunod lang ang tingin niya dito habang ito naman ay inililibot ang paningin sa loob ng bahay niya. Masasalamin sa mukha nito ang disgusto sa naabutan nitong kaguluhan doon. Napakamot tuloy siya ng ulo. Isang linggo na kasi siyang hindi nakakapaglinis ng bahay kaya naman parang dinaanan na iyon ng ipo-ipo. “Galit ka siguro talaga sa `kin kaya sinadya mong gawing ganito kagulo ang bahay mo?” nakakunot-noong tanong nito. “Bakit dito mo sinasampay ang mga damit mo sa loob ng bahay?” Hinawi pa nito ang mga nakasampay niyang damit sa sala. Nasira kasi ang sampayan niya sa labas at tinatamad siyang ayusin iyon kaya nagtali nalang siya ng lubid sa bintana niya papunta sa divider na lalagyan ng mga figurines na nireregalo ng Mama niya. “Normal lang sakin ang kaguluhang `to,” kinuha niya ang mga tuyong damit niya na nakasampay. “Pasensya ka na. Nasira kasi ang sampayan ko at wala akong oras para ayusin iyon.” Napailing nalang ito. “Buti hindi ka naririndi sa gulo ng bahay mo?” inagaw nito sa kanya ang Tupperware na hawak niya at ito na ang nagdala `non sa kusina niya. “Ang mabuti pa kumain ka muna. Sigurado akong hindi ka pa kumakain. Nabanggit kasi ni Ree na nakakalimutan mo raw kumain kapag nagsusulat kaya kahit alam kong nagsusulat ka, inabala na kita.” “Salamat.” “Walang anuman. Isa pa, nasa usapan natin na dadalhan kita ng rasyon ng pagkain araw-araw,” ito na rin ang naghain para sa kanya. “Kumain ka na muna.” Tumango siya at umupo sa isa sa mga upuan na nandoon. Hindi niya mapigilang mailing sa pagiging attentive ng lalaki sa kanya. Iyon kasi ang unang pagkakataon na may lalaking nag-asikaso sa kanya. And she must admit… she liked seeing him fussing over her. Weird.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD