Chapter 1
Kinapa ko ang aking tabi at mapangiti ng mahawakan ko si Ava. Bumaling ako sa kanya at niyakap siya “Babe” tawag ko dito at hinalikan siya sa balikat.
“Hmmm.” Sagot nito at humarap sa akin nagulat ako at naitulak bigla ang babae sa akin harapan na sanhi ng pagkagising nito
“Hon?” Naalimpungatan na sinabi nito
“Anong ginagawa mo dito?” Napatayo ako at nagmamadali na binuksan ang pinto ng kuwarto “Manang, manang” sigaw ko
“Ano ba nangyayari, Hon?” Naguguluhang sabi ni Chloe
“Anong ginagawa mo dito sa kuwarto namin ng asawa ko? Bakit ikaw ang katabi ko?”
“Asawa? Ako ang fiance mo Jason? Anu ba pinagsasabi mo?”
“May asawa akong tao. Imposible na maging fiance kita. Asan si Ava ano ginawa mo sa kanya? Asan siya?” Sigaw ko
“Nakakaalala ka na? Naaalala mo na si Ava?” Naiiyak na sabi nito
“Oo, si Ava ang asawa ko. Anong ginagawa mo dito Chloe? Asan ang asawa ko?” Sigaw ko uli dito “Manangggg” sigaw ko ulit sa may pinto
“Iho, Anong nangyayari?” sabi ni Manang Lea
“Asan si Ava, Manang? At anung ginagawa ng babaeng yan dito? Hindi ba at mahigpit kong pinagbilin na wag na wag papapasukin ang babaeng yan dito sa pamamahay?” Galit na galit na sabi ko. Nung huli insidente na nagkaharap sila ni Ava ay sinaktan niya ito kaya ipinagbawal ko ang papasok niya sa opisina at dito sa bahay. Nagfile din ako ng TRO sa kanya nuon.
“Ja-Jason. Naalala mo na si Ava?” Tila naiiyak na sabi nito.
“Anu ho ba nangyayari Manang? Asan ho ang asawa ko?” Naguguluhang sabi ko
“Huminahon ka, Iho. Tatawagan ko ang Mommy mo” bumaling ito kay Chloe “At ikaw Chloe, magbihis ka at maghintay sa sala. Eto na yong araw na sinasabi ko sa iyo na darating at sisingilin ka sa mga kasalanan mo” galit n sabi nito
“Ahhhhh.” Napasigaw ako sa biglang pagsakit ng ulo ko at isa isang nagflashback sa harap ko ang mga alaala.
“Who are you?
“I’m Ava, your wife”
“Your not my wife, I have a girlfriend at hindi ikaw yon”
“Mga walanghiya kayo dito pa kayo sa bahay ko gumagawa ng milagro”
“I want an annulment”
“I will never marry someone like you. Your so plain and simple. It’s the biggest mistake marrying you and not chasing after Chloe. Just signed the annulment papers and dissapear. I will pay a big amount. Just get lost”
“Iho, umalis na si Ava. Pinabibigay niya ito sa iyo”
“Finally, Hon. Pinirmahan na niya at pede na tayo magpakasal.
“I love you, Chloe. Thank you for coming back”
Nakikita niya pa ang mukha ni Ava na puno ng luha. “No, no, no” napasuntok ako sa pader ng maalala ko ang mga nangyari “No, babe. Noooo” Napasandal ako sa pader at wala akong magawa kundi ang umiyak.