Nagising si Ava nang maramdamang may humalik sa kanya “Babe” narinig niyang tawag ni Jason “Gising na” at hinalikan ulit siya nito. Dahan dahan siyang nagmulat ng mata at bumungad sa kanya ang nakangiting si Jason “Ahmmm, Morning” naiilang na sabi niya dahil hindi pa siya nakahilamos man lang at toothbrush.
“Good morning, Babe” yumakap ito sa kanya at humalik ulit
Marahan niya itong tinulak “Hindi pa ko nag toothbrush” nahihiyang sabi niya dito.
“Mabango pa rin Babe at masarap kahit hindi ka pa nagtoothbrush” sabi nito na sinamahan ulit ng isa pang halik
Napaungol siya ng palalimin nito ang halik at dumagan sa kanya. Wala siya nagawa kundi ang yumakap dito pabalik
“Sarap” sabi nito ng huminto ng paghalik sa kanya “Bangon na babe para makakain ka na”
“Anong oras na ba?” Umupo siya at inalalayan nito
“Mag 1 pm na. Hindi sana kita gigisingin kaso late na rin” anito na sinundan lang siya ng tingin ng tumayo siya. Sumilip siya sa may crib at tinignan kung andun si Xande.
“Asa labas siya akay Lara” sabi naman ni Jason tumayo ito “Maghain na ko sunud ka na lang” at lumabas na ito.
Inayos naman niya ang sarili at sumunud na kay Jason naaubutan niya si Lara at Xander na naglalaro sa mat na nakalatag sa may lapag. Lumapit siya at hinalikan si Xander. “Naynay” tawag nito sa kanya at inabot ang kamay na nagpapakarga.
“Gising na pala si Naynay eh” nanunuksong sabi ni Lara
“Babe, nakahain na” tawag naman ni Jason sa kanya
“Babe? Aguy nakakakilig naman” tukso lalo ni Lara. Namula ang mukha niya “halika muna baby Xander ng makapagbonding si Naynay at Taytay”
“Puro ka kalokohan, Lara” pangsasaway niya dito at inabot na si Xander dito at pagkatapos ay sumunod na sa kusina. Nadatnan niya si Jason na nagaantay sa lamesa. Pinaghila siya nito ng upuan at pagkaupo niya ay tumabi na ito sa kanya. Pinaglagay siya ng pagkain tapos ay sa plato naman nito “Kain na” anito at nagumpisa na rin silang kumain.
“Ikaw nagluto?” Tanong niya ng malasahan ang caldereta. Tumango ito at nagpatuloy sa pagkain. Tahimik lang sila kumain at nang matapos ay nagprisinta na siyang magligpit. Pumayag naman ito.
“Ahmmm, babe. Pede ba tayo magusap after mo diyan” tanong nito. Tumango lang siya at tinuloy ang paghuhugas ng pingan. Alam naman na niya kung ano ang gusto nitong pagusapan. Nahahati pa rin ang puso’t isip niya. Natatakot pa rin siya pero alam niya sa sarili niya kung ano ang dapat niya gawin. Natapos na siya sa paghuhugas at hinarap ito. “Doon tayo sa kuwarto?” Aya niya dito. Lumakad siya papunta sa kuwarto at sumunod naman ito. Pagkapasok sa kuwarto ay dumeretso siya ng upo sa kama. Nakatayo lang si Jason sa may pintuan.
“Babe” anito at tinignan niya “Uwi na tayo?” Anito na nakatingin sa kanya “Uwi na kayo ni Xander sa akin?” Nangungusap na tanong nito
Pinakatitigan niya si Jason. Kinapa ang damdamin at natagpuan na lang niya ang sarili niya na tumatango “Yes, babe. Uuwi na kame ni Xander”