"AIRA NAMAN! Alam mo naman tinatamad pa ako mag trabaho tapos nawalan ka naman?!"
Singhal ng kapatid kong si kuya Rodel. Lagi naman kasi siyang tinatamad eh. May bago ba doon? Mas matanda siya sa akin ng tatlong taon pero wala pa kahit first work. Twenty five siya at twenty two naman ako.
"Kuya tinanggal kasi ako. May nambastos kasi sa'kin. Hinipuan ako kaya ayun. Sinipa ko."
"Tanginang 'yan! Binastos agad 'yun? Hindi ka naman hinubaran eh! Bwisit! I-dedate ko si Sasha mamaya eh!"
"Edi magdate kayo."
"Tanga ka ba?! Wala akong pera?! Bobo naman nito!" Padabog na umalis si kuya at pumuntang kwarto nito.
"Hayaan mo na ang kuya mo Aira. Sige na kumain kana."
"Salamat 'nay" Agad ko namang sinunggaban ang paksiw na isda.
"Aira may hiring do'n sa court oh. Job fair ata," saad ni 'tay na bigla bigla na lang sumulpot.
"Talaga po?"
"Oo kaya bilisan mo na diyan! Napaka bagal naman talaga oh!" singit ni Kuya Rodel.
"Sige po 'tay." Agad kong tinapos ang pag kain ko. Nag ayos muna ako ng sarili at dumiretso ng court para mag apply. Sayang ang oras eh. Hay buhay.
Ako ang breadwinner sa pamilya. Kaya dapat gorabells! I will work for them. I'll protect them. Ang pamilya ko ang importante sa lahat. Sila ang priority ko. Kaya nga kahit pagoda na ako. Go go go! Mag aaral na rin si Kenjo kaya kailangan na talaga.
"Kaya mo 'yan Aira Janine!"
------
"May trabaho na ako!" Pasigaw kong salubong sa bahay.
"Punyeta naman Aira! Kailangan sumigaw?" Pupungas pungas na sabi ni Kuya habang pababa ng hagdan.
Napasimangot ako sa asal ni kuya. Ayaw niya no'n? Dumiretso ako sa kusina para hanapin sila nay at tay para ibalita ito.
"Anong trabaho mo? Wala sila 'nay. Nasa kanila Manang Delia."
"Encoder po kuya."
"Buti naman. Ni re-sched ko 'yong date namin ni Sasha. Sa sweldo mo na lang."
"Pero kuya-"
"Punyeta naman Aira! Baka nakakalimutan mo imbes na ako ang nakatapos eh ikaw ang pinag-aral!"
Natahimik ako sa sinabi ni Kuya. Totoo naman kasi iyon na imbes na siya ako ang nag aral. Bulakbol din naman kasi siya kaya 'di na siya pinag aral nila 'nay. Nasasayang lang ang pera sa kaniya kasi hindi siya makaalis sa highschool.
"Okay po kuya." Agad na umalis siya sa harap ko. Minsan matatanong ko na lang sa sarili ko kung kapatid ko ba iyon eh.
Nag ayos na lang ako ng sasaingin namin habang hinahantay sila 'nay. Naghugas na rin ako ng pinggan nang makaramdam ako ng pagkahilo. Napahawak ako sa lababo at hinilot ang aking sintido.
Nang mawala na ang sakit ay agad kong tinapos ang mga gawaing bahay.
"Ate!"
Napalingon ako kay Kenjo na tumawag sa akin. Si Aiken Joseph Suarez ang mahal na mahal ko sa lahat. Siya ang bunso naming kapatid. Meron siyang down syndrome sa edad na sampu kaya hindi siya normal pero para sa akin. Perpekto siya. He's my strength. Siya ang pinaka priority ko sa lahat.
"Kenjo? Bakit basang-basa ka?" tanong ko nang makita ko siyang basang-basa. Mukha rin itong hingal na hingal. Agad akong niyakap ni Kenjo nang masiguro niya ako ang ate niya.
"KENJO!"
Sigaw ni Kuya mula sa labas ng bahay. Nagtago naman ang kapatid ko sa likod ko. Medyo nanginginig din ito marahil ay dahil sa takot. Hinila ko siya papunta sa bakuran at pinaupo sa malaking bato habang pinupunasan ang basang ulo niya.
"Ate, Kuya rustom palo ako! Habol niya ako tapos sigaw. A-ate tatakot kenjo."
"Shhh. Sabihan ko kuya na 'wag na paluin si Kenjo. Okay?"
Niyakap naman ako nito habang sunod-sunod ang tango. "Mahal na mahal kenjo si Ate Ayang."
"Mahal din ni ate Ayang si Super Kenjo."
"Hindi iiwan ni Super Kenjo si Ate Ayang. Pwamis." Napangiti ako nang maramdaman kong nakakatulog na siya.
--
"AIRA SAMA ka sa'min mamaya?" Tanong ni Grace na katrabaho ko.
"Naku grace! 'Di iyan sasama! Isang buwan na nating niyaya iyan eh," dagdag ni Kira na isa sa mga katrabaho ko din.
"Sorry ah. Hindi kasi nakakatulog si Kenjo 'pag hindi ako nakikita," nakangiting sagot ko. Hindi kasi nakakatulog si Kenjo pag hindi ko siya nakakantahan.
"Sweet naman. Mahal mo?" Si grace ulit.
"Sobra. Siya ang buhay ko eh."
"Aira for sure iba naiisip ng mga iyan," bulong ni Eunice. Si Eunice ang maituturing kong bestfriend. Classmate ko siya na g college at saktong katrabaho ko pa ngayon.
"Hayaan mo na.." sagot ko.
"Oh. Heto nga pala. Isang balot ng turon 'yan para kay super Kenjo." Sabay bigay ng paper bag ni Eunice.
"Salamat Eun. Miss ka na ni Kenjo."
"Crush talaga ako ng batang 'yon," natatawang sagot ni Eunice sa akin.
Nagpatuloy na ako sa trabaho ko nang pumasok sa department naming ang secretary ng may ari ng company.
"Miss Suarez. Pinapatawag ka ni Sir Ybañez sa office niya."
"P-po?."
Agad akong nag nag-ayos ng marinig ko ang mga katrabaho ko.
"Hala ka girl! Mag o-one month ka pa lang dito. Trouble kana!"
"Patay ka Aira! Nakakatakot pa naman si Sir Ybañez!"
"Bes good luck."
Napalingon ako Kay Eunice na may na-trouble-ka-ba? Look. Umiling ako na para bang sinasabing hindi ako na-trouble.
Agad akong sumunod sa secretary ni Mr. Ybañez na sumakay ng elevator. s**t! Bakit ako pinatawag? Tatanggalin na ba ako? May ginawa ba ako? Pucha! Kinakabahan na ako! Eto na, malapit na..
Agad kaming lumabas ng elevator. Nanlalamig na 'yong palad ko sa kaba, p'wede na akong magbenta ng yelo. Mabilis na rin ang takbo ng heart ko. Pakshet! Jusko po!
Kumatok na ang secretary "Sir? Miss Suarez is here."
"Let her in." saad ng baritonong boses mula sa loob.
Pinapasok na ako ng secretary sa office at nakatitig lang sa lalaking nakaupo sa swivel chair. Nakasalikop ang kamay nito habang nakapatong sa table ang mga siko.
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang sinalubong ako ng mga asul na mata nito. Nanlalambot ang mga tuhod ko sa titig niya. Ang mga matang ilang buwan ko ng gustong kalimutan. Napatingin ako sa labi niyang magkadikit. Kumalabog ang puso ko nang maalala ko kung gaano kasarap ang mga labing 'yon.
"It's good to see you again.." Ngumisi siya sa akin. "..Aira."
"Ikaw ang boss ko?!" tigagal na sabi ko.
"Hey, calm your p***y. I'm still your boss," taas kilay na sagot niya.
Putanes! Ang pogi ng hinayupak
"B-bakit mo po ako pinatawag?"
"Because I missed you." Tumayo ito at unti-unting lumapit sa kinatatayuan ko. Dahan-dahan nitong hinaplos ang pisngi ko na malamang ay pulang-pula na. Nanatili lang akong naka tayo. Nanigas na ata ako dito, bwisit!
"You don't know how much I miss that luscious lips of yours."
Pinadaan niya ang kanyang hinlalaki sa ibabang labi ko. Naramdaman ko ang kuryenteng dumaloy sa katawan ko. Shingina Aira! Galaw galaw din!
"S-sir!" napaatras ako at bahagya itong tinulak. Ngumisi lang ito at kinagat ang pang ibabang labi.
"So.. How's your work?" tanong niya.
"O-okay lang naman."
"Give me your number." maawtoridad na sabi niya. Nagtaas ako ng kilay. Batas ang lolo niyo.
"Ano?"
"Give me your f*****g cellphone number." Salubong na ang makapal nitong kilay na mas bongga pa sa kilay ko.
"B-bakit?" nauutal na sagot ko. Eh bakit ba kasi nanghihingi ng number 'to? Diosmio! 'yong puso ko ang lakas ng kabog!
"Can you just type your damn digits here and stop asking all WH-questions?"
Medyo galit na sagot nito at iniabot sa akin ang mamahaling cellphone. Wow! I-phone ang bonga! Agad-agad ko naman tinaype ang numero ko at sinave at muling inabot sa kaniya.
"Oh ayan! Wala akong load tsaka bawal textmate!"
"How about sexmate?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at akmang hahampasin siya nang biglang may pumasok sa opisina. Naiwan sa ere ang palad ko na agad kong ibinaba ng makita ang pumasok.
"What is happening here?" tanong ng poging pumasok. Naks!
"Nothing.." balewalang sagot ng boss konhmg manyak at nakapamulsa pa.
Lumipat sa akin ang tingin ng kakapasok lang na lalaki at ngumiti. Naiilang na nginitian ko rin siya bilang ganti. "Good morning sir."
"Stop it Jakobe!" Napatalon ako sa gulat sa sinabi ni Lex. Nakaigting ang mga panga nito habang masamang nakatitig sa tinawag niyang Jakobe.
"She's a cutie," sagot ng Jakobe. Agad kumalat ang init sa pisngi ko sa sinabi niya. Para akong bida sa korean drama na pinag aagawan ng dalawang pogi. Shingina!
Lumapit sa akin iyong Jakobe na agad hinarangan ni Lex. Hinawi lang siya nito at patuloy na lumapit sa akin.
"Prepare yourself Aira. Change is coming," bulong niya sa tenga ko.
"Ano?" Kunot noong tanong ko sa kaniya. Papano niya ako nakilala tsaka anong 'change is coming'?. Bago pa man ako makasagot ay lumabas na ito ng opisina habang tumatawa-tawa.
"Do you know each other? How did that fucker know your name? Damn it! Are you one of his woman?" Sunod sunod na tanong niya sa akin.
Napanganga ako nang unti-unting naproseso ng utak ko ang mga klase ng tanong niya. Pinagmasdan ko ang mukha niya na salubong ang kilay at matalim ang titig na iginaganti sa akin. Nakaigting din ang panga nito at nakakuyom ang mga kamao.
"Mawalang galang na po Sir pero gago ka ba? Ngayon ko lang nakita 'yong Jakobe na iyon?! At tsaka bakit niya nga ba ako kilala?"
Natahimik ito at tinitigan lang ako. Napansin ko din ang bahagyang pag kalma ng mukha nito. Mukhang nakahinga ito ng maluwag sa sinabi ko.
"I don't know how did that fucker know your name. Maybe because you are one of our employees, I guess."
"Siguro nga.. "
"Are you sure that you're not one of his woman?"
"Hindi nga sabi! Kulit mo! At isa pa.. Baka nakakalimutan mo 'Sir'. You kissed me! That's kissnapping po.."
"Oh.. You remembered? If I'm going to kiss you now. Kissnapping parin ba 'yon?" nakangising saad nito. Tumataas taas pa ang dalawang kilay niya.
"A-ano?! T-teka! Bawal 'yan sir.." natatarantang sagot ko. Nakakailang atras narin ako dahil palapit siya nang palapit sa'kin.
"Apoy ka ba Aira?"
"A-ano? Papa'no ako naging apoy? Hindi naman ako si Pirena."
"Because you can make my body burn from desire," bulong niya sa tenga ko.
Ang kanyang hininga na tumatama sa pisngi ko ay nagpapatayo ng balahibo ko sa batok. Nakakakilabot ang sensasyon na dala ng mga salita niya. Tinulak ko siya ng bahagya at matalim na tiningnan.
Tumalikod na ako at akmang lalabas ng opisina niya nang muli itong magsalita.
"You got me hooked baby."