"The slut is here." Lumapit siya sa akin habang nakataas ang isa nitong kilay. "Magkano ang bili sa dress na 'yan? Feeling reyna ka ata sa piling ni Nicolai?" Tiningnan ko siya nang masama na kasing sama ng ugali niya. Noong una bigla niya akong sinampal tapos ngayon tinapunan niya ako ng juice. Problema ba ng babaeng 'to sa akin? Biglang lumapit sa akin si Dominique at pinunasan ang balikat kong may bahid ng juice. "Okay ka lang Aira?" "Ow? The b***h have friend?" Tumingin siya kay Dominique at nagsalita ulit. "So who's your target? Jakobe? Armione? Levi? Come on! Tell me." Tumingin lang si Dominique nang masama kay Therese. Nakakaagaw na rin kami ng atensiyon ng ibang bisita. Hinila ko ang kaibigan ko paalis sa harap niya pero pinigilan ako nito. "You don't turn your back to me. Kil

