"Miss Suarez pinapatawag ka ni Sir Ybañez sa opisina niya." Tinanguan ko ang sekretarya ni Nico at sumunod sa kaniya. Isang linggo rin akong nawala dahil nakafocus ako kay Kenjo. Namiss ko din ang poging 'yon. Nang makarating kami sa opisina niya ay pinapasok na agad ako. Nang tuluyan na akong nasa loob ng opisina ay inilibot ko ang aking mga mata at mula sa banyo ng opisina ay lumabas ang lalaking miss na miss ko. Napatingin ito sa akin at agad akong nilapitan. "I missed you baby.." Niyakap niya ako ng mahigpit at hinalikan sa ulo. Niyakap ko siya pabalik at isinandal ang ulo sa dibdib niya. "Namiss din po kita.." Naginit ang pisngi ko dahil sa kilig. 'Gosh! I'm so landi!. "Be my girlfriend Aira.." Naitulak ko siya palayo sa akin sa sobrang gulat. Ang lakas ng kabog ng puso ko.

