Pagkatapos ng araw na ‘yon ay nagkulong na si Moonlight sa kuwarto ni Vlad, hindi niya alam kung mapapatawad niya si Haruka sa ginawa nito kay Vlad. Paano pa siya mabubuhay ng masaya kung wala na ito? Natapos na ang lahat ng problema pero pati ito nawala sa kanya at ang sobrang nakaksakit sa kanya ay ang paglaho nito sa mga kamay niya at kahit kailan hindi na ‘to mabubuhay pa. Hindi siya tumigil kaiiyak, sobrang nasasaktan siya. Naramdaman niyang may pumasok sa kuwarto niya pero hindi pa din siya tumigil pag-iyak. “My Lady,” malungkot na lumapit sa kanya si Oz na namumugto ang mata at may inabot na sulat sa kanya. “Iniwan niya ‘to bago siya pumunta doon, hindi man siya mamatay dahil sa lason pero alam niya na darating ang oras ng limitasyon niya—“ Hindi na nito tinuloy ang sasabihin a
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


