Humahangos si Pandora nang makarating sa kastilyo at pansamantala niyang iniwan si Moonlight. Alam naman niya na maraming nagbabantay dito kabilang na si Athena sa labas ng bakuran nito. Nag-aalala siya kay Frey dahil alam niya na may masamang nangyari dito pero minamadali siya nitong sabihin kay Drifher ang nangyari sa Mansion ng Royal Blood na si Julieth. Kung ganoon, doon ito nagpupunta. Kilala niya si Julieth, ang unang babae ni Driefher pero hindi niya maisip kung bakit dapat itong bantayan ni Frey at anong meron sa babaeng ‘yon. “Master Drifher!” Malakas na sabi niya na nakapagpatigil sa pagsasalita ni Drifher sa harapan ng mga knights niya kasama si Moonshine at Priscilla na hawak si Emerald. “Master, ang mansion ng Royal Blood na si Julieth ay sinugod at sabi ni Frey na tumata

