“Bakit kapag nasa harap ka ng kapatid mo para kang normal na tao? Pero kapag nakatalikod siya lumalabas na madami kang kayang gawin pero pinapakita mo lang na mahina ka.” Wika ni Andrew kay Haruka habang naglalakad sila palabas ng Hunter Association para kitain ang pinakapinuno ng mga Lycantrophe. “Para hindi niya ko iwanan.” Matipid ngunit sinserong sabi nito. “Kung makikita niyang malakas ako, na kaya kong iligtas ang sarili ko hindi na ako ang poprotektahan niya kundi si Moonlight. Matagal akong naghintay at hindi puwedeng magkalayo kami.” Dagdag pa nito. “Bakit hindi mo na lang sila pabayaan?” tanong dito ni Andrew. Tumigil sa paglalakad ang nauunang si Haruka, “Nanganganib si Vlad dahil sa kanya, naging malapit si Vlad sa mga taga-Dravens Castle kaya kahit anong nangyayari wala si

