Inabot na ng isang buong araw sa paghihintay si Vlad sa pagbalik kay Emerald ay hindi pa din ito ibinibigay sa kanya. Pinalaya na ang kanyang ama kaya pansamantala naroon siya. Hindi siya nangangamba sa Mansion dahil iniwan niya ‘to ng maraming bantay at hindi pa naman siya matagal nawawala. “Sumama ka na sa ‘kin.” Sabi niya sa kanyang ama-amahan habang inilalapag nito ang tasa ng kape sa harapan niya saka naupo sa harap niya. “Maayos na naman ang pakikitungo sa ‘yo ng Master Drifher hindi ba, bakit pinipilit mo pa ko?” “Hindi pa maayos, pinapabalik nga nila si Moonlight. Sumama ka na, balak ko na siyang asawahin bago ko siya ibalik para wala na silang apela.” Malaking ngiti ang ibinigay niya dito. Kinutusan siya nito na madalas nitong gawin sa kanya noon pa man. Nahimas niya ang

