Hindi magawang bitiwan ni Andrew ang larawan na nasa kamay niya. Nag-iisa lang siya sa kuwarto niya na nasa loob na rin ng Mansion ng mga Zordick kalapit ng kuwarto ni Haruka. Nakuha niya ‘to na nakasipit sa isang libro na ibinabasa niya pampalipas ng oras. Isa pa hindi niya alam kung bakit parang may nakalimutan siya na hindi niya maintindihan kung ano. “Alam mo ba kung na saan si Moonlight?” Nakatayo na sa harap niya si Vlad, hindi nito binukas man lamang ang pintuan. Hindi niya alam kung saan ‘to dumaan. “Sino?” nangunot ang noo niya. Hindi niya kilala ang hinahanap nito. “Kung ganon wala ka na ngang ala-ala.” Nangisi si Vlad at nilapitan ito. “Wala ka naman pa lang kuwenta!” nanlisik ang mapupulang mata ni Vlad at iniangat si Andrew sabay hagis dito. Nabangga ang katawan nito sa

