“Kung ganon, sino kaya ang iba pang kalaban ng Kastilyo? Kung wala din dito si Grey ibig sabihin lang may iba itong pinagsisilbihan at ginagamit lang nila ang pangalan mo para magkaroon ng malaking kaguluhan sa pagitan niyo.” Ani Pandora habang kausap si Vlad sa kabilang kuwarto at naroon din si Phyrica. “Sino ang kalaban? Kung hindi natin ‘to aagapan baka mabitay na ang Head Master.” Nag-aalala si Phyrica sa maaring kasapitan ng butihing Head Master. “Walang makagagawa ng ganitong mga balak kung hindi siya nabibilang sa mataas na ranggo dahil si Frey at Grey ay mataas ang ranggo sa pagiging Bampira kaya isang mas mataas sa kanila ang maaring pagsilbihan ni Grey.” Ani Pandora . “May mga dumarating…” wika ni Vlad ng maramdaman mula sa malayo ang mga yabag. “Phyrica,” tawag ni Vlad na l

