Nagtungo si Rain at Pandora gamit ang mabilis na pagtakbo at pagtalon na tila lumilipad sa mga sanga ng puno hanggang marating nila ang base ng Hunter Association. Pero mabilis siyang pinigilan ni Pandora. “Bakit nandito tayo? Magpapakamatay ka na ba?” “Nandito talaga ang daan patungo sa Mansion nila Vlad, kaso hindi ko alam kung makakapasok tayo ngayon. Hindi sinasagot ni Andrew ang tawag ko, si Vlad naman hindi ko naman siya makakausap kung hindi niya ko pupuntahan.” Ani Rain “Niloloko mo ba ko Moonlight?” nakataas ang kilay ni Pandora dito. “Hindi. Mahigpit ang seguridad nila dito at baka hindi tayo makapasok. Wala naman ako ibang kilala maliban kay Andrew, siya lang ang inaasahan kong makakapagpapasok sa ‘tin dito kaso ayaw nga niyang sumagot.” Naiinis na wika ni Rain habang inuul

