Isang malaking balita ang kumalat sa Draven's Vampire Community, ang pagkakatangay ni Vlad na isa pa lang Pure Blood din sa Pure Blood Princess na si “Rain Moonlight Draven”. Pagde-deklara iyon ng isang laban, ngunit ang ikinababahala ng marami na ang dugo nito ang gagamitin upang muling buhayin ang kapatid ni Vlad sa pagkakahimbing. Habang nababahala ang lahat tila naman hindi man lang kababakasan ng emosyon ang ama nitong si Drifher. Inilihim niya ang nangyari sa asawang si Moonshine, malapit na itong magsilang kaya hindi ito maaring mag-alala ng husto sa anak na nawawala. “Bakit ba hindi ka man lang nag-aalala sa anak mo?!” Galit na sigaw ni Priscilla sa anak na nakatanaw lang sa bintana ng kuwarto ng ama nito na madalas ay lugar na pinag-uusapan nilang mag-ina ng sikreto. “Hindi n

