Hindi puwedeng lumabas, hindi puwedeng lumabas hanggat hindi kakain. Ano ako preso? Sa loob ng dalawang linggo ay natiis niya ang ganoong set-up dahil mas gusto niya ‘yon dahil na rin sa sobrang pagdaramdam niya sa nangyari sa kanila ni Andrew. Pero may mga pagkakataon na gusto na niyang alamin ang misteryong bumabalot sa lugar na 'to lalo pa at tila isang Master kung ituring ng mga ito si Vlad. Ang mga tumutulong naman sa kanyang magpalit ng kasuotan ay tila mga de-bateryang nilalang na pili lang ang sinasabi at higit sa lahat paulit-ulit. Kapag naman tinanong niya ang mga ito ay wala itong mga sagot na ibinibigay sa kanya. Si Phyrica at Vlad ay hindi na nya namamataan, madalas ay mag-isa na lamang siyang kumakain. “May relasyon ba sila? Ano nga ba kasing pakialam ko?! Bakit ba naiinis

