“Kumain ka na My Lady.” Pamimilit ni Oz sa kanya na pumasok sa kuwarto para pakainin lamang siya. Nanatili siyang nakahiga at hindi umiimik. Pakiramdam niya napaka-dami niyang isipin na makakapag-pasabog na ng isipan niya ano mang oras. “Bakit ka nagsisilbi kay Vlad?” Tanong niya kay Oz na bahagyang natigilan, hawak pa din nito ang pagkain sa dalawang kamay. “Mula ako sa isang Royal Blood, noon sabi ng aking ama na may isang Pure Blood na muling mabubuhay hindi lamang tiyak kung kailan iyon mangyayari. Isang imbitasyon ang natanggap ng pamilya ko, isang pagtitipon para sa isang Pure Blood na muling nabuhay sa pagkakahimbing at dahil nga wala na ang aking ama pinilit ako ang aking Ina na magsilbi sa Mansion na ‘to kahit pa isa akong Royal Blood.” Ang mga Royal Blood na tulad niya ay ang

