“Hindi pa patay ang Pure Blood na si Shira, nahihimbing lang siya. Siya lamang ang tanging nakaligtas sa pag-paslang ng Pure Blood na ‘yon sa kapwa niya, iyon nga lang hindi ko alam kung saan siya nakahimlay. Madali na sa ‘yong hanapin ‘yon at sigurado ako na mas matutulungan ka niyang hanapin ang anak mo”. “Mama!” Sigaw ng isang binatilyo na nasa edad apat ang dumating na tumatakbo pababa ng hagdanan. “Papa?” Niyakap nito si Drifher na ikinalaki ng husto ng mata ni Frey, namasdan niya ang kulay ng mata nito at tunay nga na may hawig ang emrald na mata nito kay Drifher. “May anak siya sa iba?” Tila hihimatayin si Frey sa nalaman. “Huwag kang masyadong yumakap bata ka! Magugusot ang damit niya!” Wika ni Juliet sa anak nito. “Hayaan mo siya” Lumuhod si Drifher para makapantay ito. “Gus

