“Sino kayo?!” Ilang mga Vampires ang humarang kay Drifher at sa mga kasamahan niya pagpasok pa lamang sa malaking gate ng Mansion ni Shira. “Kayo ng bahala sa kanila.” Ani Drifher na kasama si Frey, Athena at Pandora. Pero hinarang pa siya ng ilang nasa pintuan na sampu ang bilang. “Wala kaming balak makipaglaban, gusto ko lang kausapin si Shira.” Wika ni Drifher. “Mga Lapastangan! Namamahinga na si Lady Shira! Hindi namin mapapayagan na gambalain niyo ang pamamahinga ng aming Reyna!!!” Sigaw ng isa sa mga ito. “Sandali,” Pigil ng isang malaking lalaki sa mga kasamahan niya. “Isa siyang Pure Blood.” Wika nito. “Ha?” Nagulat ang mga ito pero agad din mga nagluhudan sa harapan niya bilang paggalang. “Anong kailangan niyo sa aming Reyna? Ang bilin ay hindi siya dapat gambalain sa kan

