Nang magising si MoonLight ng umagang ‘yon ay nakahiga na siya sa kama, hindi man lang niya naramdaman na nilipat na siya nito. Hindi na naman niya makikita si Vlad, basta ganitong maaga ay wala ito tila laging may pinupuntahan kaya bihira talaga silang magkita. Hindi niya nakakalimutan ang pangako niya dito, marahil mahina nga siyang Vampire pero may magagawa siyang paraan para tumigil na ang paghihirap ni Vlad at ang pagbabanta nito sa buhay ng kapatid niya. Ramdam niya na pinahahalagahan siya nito kaya hindi nito magawang saktan siya pero hindi niya pa rin hahayaan na kunin nito ang buhay ng kapatid niya, matagal itong hinintay ng kanyang Ina at alam niya na ito ang magiging tagapag mana ng pamamahala sa Dravens Castle. Ang tao at ang Vampires na magkasama ay maganda pero posible nga

