Chapter 22

2343 Words

“HAPPY HALF YEAR!” Masayang bati ni Andrew kay Rain ng sunduin niya ‘to at bigyan ng bulaklak ng makasakay na sa sasakyan. Ito ang araw na ipapakilala niya si Rain sa kanyang ama, gusto na kasi nitong makilala ang babaeng mahal niya, sa wakas naging malapit na rin sila ng kanyang ama sa isa't-isa. Minsan nag-iisip din ng malalim si Andrew tungkol kay Rain, hindi kasi ito ma-kwento tungkol sa pamilya nito at bihira lang kung tatanungin niya. Madalas ay tipid lang din ito sumagot sa kanya pero wala namang kaso ‘yon dahil nakakapunta naman siya sa bahay nito. Wala nga lang doon ang magulang nito. “Ang lalim naman ng iniisip mo hoy!” Pinitik ni Moonlight ang tenga nito kaya napatingin dito ang nag da-drive na si Andrew. Nginitian naman ito ni Rain na nasa kandungan ang binili niyang pumpon

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD