Nang itungtong ni Vlad ang mga paa sa lugar kung saan siya nabuhay isang libong taon na ang nakalilipas ay maraming ala-alang nagbalik sa kanyang isipan. Ang lugar na ‘yon ay kasing laki ng Draven's Vampire Community. Kung ang Dravens ay may university ang lugar na ‘yon ay wala, ngunit meron iyon na wala si Dravens Community ang Pharmaceutical Company kung saan ilang taon bago siya mamatay ay nakaimbento siya ng Blood Tablet kung saan maaring makapag pahinahon at maka pagpa-bawas ng pagka-uhaw ng mga Vampires sa dugo. Wala pang nakararating sa lugar na ‘yon pero may daan na nasa liblib na kuweba sa falls na pinuntahan nila ni Moonlight nakatago at iyon ang daan patungo sa mundong nabalot na ng yelo sa lumipas na panahon. Sa kabilang dulo ng lugar na ‘yon ay ang daan naman patungo sa mun

