Unti-unting natutunaw ang yelong bumabalot sa pinglagakan niya kay Haruka sa pamamagitan ng pagtitig niya dito, ang kuwarto kung saan niya ito pinatay, malinis na ang puting damit nito dahil nang araw din na pinatay niya ‘to ay inayusan ito ng kanilang Ina-inahan. Kinadena niya ang kabaong nito upang walang sinuman ang makahanap ditto, saka niya ibinalot sa yelo na hindi natutunaw kagaya ng pangkaraniwan. Nang patayin niya si Haruka ay ilang araw lamang at nahimbing narin siya sa tabi nito doon sa kuwarto din iyon, magkahawak ang mga kamay nila at ang mga nagbabantay sa kanila ay ang iba't-ibang salin-lahi ng kanyang Ina-inahan na isang matapat nilang taga sunod. Ang huling salita niya dito ay babalik siya at muling mabubuhay. Nang magising siya ay isang Pamilya ang inabutan niya. Ilang

