Chapter 19 1 WEEK LATER “Moonlight! Ano bang problema at hindi ka nagkakain? Alam mo dapat siguro umiinom ka na ng dugo talaga kasi hinang hina ka na sa pagkain ng tao.” Ani Pandora na nag ku-cuetix, naroon sila sa kuwarto ni Moonlight na nakakumot hanggang beywang at nakasandal sa head board. “Hindi naman.” Ani ni Moonlight sa mahinang tono. “Nasaan ba si Andrew?” Tanong ni Pandora. “Ha?” Wala sa sariling sagot ni Moonlight. Napataas naman ang kilay ni Pandora at tumigil sa ginagawa at pinagkatitigan siya. “W-wala, umuwi ang Daddy niya kaya abala siya ngayon.” Aniya na noon lang nag sink-in ang sinabi ni Pandora. “Nagka-ganyan ka simula ng pumunta ka ulit sa Kastilyo, akala ko naman nagkita kayo ni Vlad kaya tila ka na naman napa-praning diyan.” Ani Pandora na sa kuko na sa p

