Nakatulala lang ako sa langit. Nasa balcony ako at nagpapahangin lamang. Nami-miss ko na agad si Mio. Tatlong araw pa lang siyang wala sa tabi ko ay parang ang hirap na.
Napapikit ako ng aking mga mata nang biglang sumakit ang aking ulo. Bakit naman ganito? Bampira ako pero nakararanas ako nitong pagsakit ng ulo?
"Klej, sigurado ka ba sa desisyon mo? Hindi biro ang mamamahala sa organisasyon na ito. Pwede namang ako na lang muna," saad ng lalaking hindi ko maanigan ang mukha.
"Oo naman! Buo na ang aking loob. Lalaban ako hanggang sa huli kong hininga para sa aking mga magulang. Wala rin naman na akong purpose sa mundong ito kung wala sila. Sila lang ang rason ko para mabuhay nang matagal," sagot ko.
Napabuntong hininga siya at mukhang stressed na sa akin. Totoo naman ang aking mga sinabi. Kung wala na sila, handa ko na rin isakripisyo ang aking buhay para sa kaligtasan ng mas nakararami.
"Ako ba? Hindi ba ako mahalaga sa iyo? Kami ni Den?" malungkot na tanong niya.
"Mahalaga kayo sa akin dahil kaibigan ko kayo. Ang punto ko lang ay handa kong isakripisyo ang buhay ko kung kinakailangan para sa kaligtasan ng mas makararami. Ganoon naman dapat ang isang leader, hindi ba?" paliwanag ko.
"Huwag kang magpadalus-dalos, Minlei, lalo na kung nasasaktan ka. Mahirap makapag-isip na ganiyan ang sitwasyon. May mas magandang rason kung bakit kailangan mo pang lumaban sa buhay. Mare-realize mo rin iyan sa tamang panahon," wika niya.
"Matagal ko na itong pinag-isipan. Alam ko na ang aking gagawin. Lalaban naman ako hanggang kaya ko. Ang mahalaga ay mabigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng aking mga magulang," matigas na sabi ko.
Malungkot ang mga tingin niya sa akin. Pinikit na lang niya ang kanyang mga mata. Saad niya, " Kung ano ang plano mo, tutulungan kita. Nangako ako sa mga magulang mo na hindi kita pababayaan. Narito lang ako para sa iyo. Hinding-hindi kita iiwan kahit anong mangyari."
Nawala ang sakit ng aking ulo nang tumigil doon ang aking naaalala. Sino ba kasi ang lalaking iyon? Iyon ba ang pinag-uusapan nila Ate Minari at Mio noon? Sino sa dalawa? Pero posibleng si Mio rin iyon?
Naguguluhan na ako sa mga naaalala ko. Wala man lang mukha. Panay liwanag lang ang aking nakikita. Boses lang namin ang naiintindihan ko sa mga nnagyayari.
Nag-ring ang doorbell sa aking kwarto. Automatic na napatayo ako para tingnan kung sino iyon. Pagbukas ng aking pintuan ay bumungad sa akin si Ate Minari. Akala ko ay hindi pa siya makauuwi?
Binigyan ko agad siya ng isang mahigpit na yakap. Miss na miss ko na rin siya kaya ako nagkakaganito.
"Ate Minari, buti bumalik ka rito? Masaya akong makita ka ulit! Miss ka na namin nila Dad. Kamusta ka?" Hindi ko na napigilan ang katatanong sa sobrang excited ko.
Yumakap din siya sa akin nang mahigpit. Sagot niya, "Matitiis ko ba naman na hindi kayo makasama? Syempre gagawa ako ng paraan para makasama kayo. Tinapos ko na agad ang lahat ng work na hanggang next week. Ang iba naman ay pwede namang gawin sa bahay. Ang mga meetings with investors, online na lang din para kasama sila Dad at Tita."
"Mom na rin ang itawag mo kay Mom. Tanggap ka niya bilang isang anak na rin. Huwag ka nang mahiya, hindi ka naman naiiba sa amin. Tsaka kapag may maitutulong ako sa business natin, sabihan mo lang ako. Ayoko kasi na walang ginagawa," saad ko.
"Nahihiya talaga ako, pero susubukan kong tawagin siyang Mom," mahinang sabi niya na nahihiya na naman. "Tuturuan din kita sa business, iyong usual na ginagawa mo noon. Feeling ko mabilis mo naman iyon makukuha."
Na-excite na naman ako. Sa wakas ay may maitutulong na rin ako sa kanila kahit papaano. Ayoko talagang mukhang bata rito na tatambay lang sa bahay.
"Ate Minari, mayroon ulit akong naaalala. Parang gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkawala nila Mom at Dad," pag-iba ko ng usapan.
"Ga-ganoon ba?" nauutal na tanong niya. "Sana ay tuluyan nang bumalik ang mga alaala mo para hindi ka na nahihirapan."
"Mukhang malapit na ngang bumalik ang mga alaala ko. Unti-unti na siyang nagpaparamdam sa akin. Medyo ang random lang ng araw na biglang sasakit ang aking ulo tapos makakaalala," saad ko.
"Kapag ganiyan, kailangan mong magpahinga. Maayos naman ang pakiramdam mo ngayon?" tanong niya.
Tumango ako sa kanya. Wala naman na ang sakit na nararamdaman ko kanina. "Maayos na naman ako ngayon. Mabilis mawala ang sakit ng ulo kapag wala na akong maalala."
"That's good. Nagiging mabuti na talaga ang iyong kalagayan. Sa susunod ay maaalala mo na ang lahat. Sana ay huwag magbago ang tingin mo sa amin," malungkot na sabi niya.
"Hindi iyan magbabago, Ate Minari. Pamilya ko kayo at mahal ko kayo," pagbibigay assurance ko sa kanya.
Niyakag na niya ako palabas. Hindi ko alam kung bakit palabas kami, papunta sa dalampasigan kung saan hindi tanaw sa aking balcony. Masayang-masaya si Ate Minari. Naguguluhan ako pero nakisakay na lang ako sa kanya.
Sobrang dilim ng paligid. Tanging ang ilaw lang sa kabilang dako ang nakikita ko, pati na rin ang sa bahay.
Nagulat ako nang namatay ang mga ilaw sa bahay. Hihigpitan ko sana ang kapit ko kay Ate Minari kaso nawala siya. Nakahinga ako nang maluwag, ibinalik niya ang kamay niya sa akin.
Mas nanlaki ang aking mga mata nang biglang umilaw ang napakaraming lights sa paligid. May mga nakalutang pa na lantern. Mas maganda pa ito sa set up na ginawa ni Mio noong kaarawan ko.
"Ate Mina---"
Natigilan ako nang mapansin ko na si Mio ang may hawak ng aking kamay. Nakalusod siya sa aking harapan. Hinalikan niya ang aking palad. Paano nangyari ito?
Habang nakaluhod siya ay may binubunot siya sa kanyang bulsa. Napasinghap ako nang makita ang maliit na jewelry box. Alam ko na ang susunod kaso ayoko pa ring umasa.
Binuksan niya ito at lumabas ang napakagandang singsing.
"Will you marry me, Minlei?" tanong niya.
Napaiyak ako sa gulat at tuwa. Bakit ang random naman niyang mag-propose?
"Mahal na mahal kita. Ayaw kong pakawalan ang isang babaeng katulad mo."