Ilang araw na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin alam nila Mom at Dad na narito ako sa secret house namin. Mukhang hindi sinabi ni Mio ang tungkol sa akin at hinayaan na ako ang sadyang magsabi sa mga ito. Iniwan ko na ang singsing sa aking kwarto. Hindi naman ito mawawala rito. Awkward pa kung susuotin ko pa ito kung wala na rin kami. Nakita naman niya siguro na hinubad ko na rin ito kanina. "Anong oras tayo aalis?" tanong ko kay Kaliex na nag-aayos pa ng kanyang mga gamit. "Pagkatapos ko rito ay maaari na tayong umalis. Nasabihan ko na rin si Den na pumunta muna sa bahay. Wala naman akong ibang kasama roon kaya hindi ka makikita ng iba. Kaya huwag kang mag-alala ha?" Sagot niya sa akin. "Alam na kaya ni Den ang tungkol sa akin? Napahapyawan mo na ba siya?" tanong ko

