Shin Minlei's POV "Ilang araw din akong umiyak noong nagalit ka sa akin, Minnie. Sobrang sakit na nawalan ka ng tiwala sa akin. Pero ginawa ko lang naman iyon para sa mas ikabubuti ng kalagayan mo," naluluhang saad ni Den. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan, hindi ko na sila pagbibintangan. Marami na rin silang sacrifices sa akin at naiintindihan ko na ngayon ang ipinaglalaban nila. Isa ako sa mga priorities nila noon. "Nasaktan din talaga ako nang sobra noon. Akala ko kasi talaga ay nagtaksil na kayo sa akin. Masama rin ang tingin ko noon kay Minari. Nauna ang galit ko sa kanya kaya nadamay na rin kayo dahil nakakasama ninyo na rin siya. Iniisip ko na lahat ay inaagaw niya sa akin dahil anak siya ni Dad," saad ko. "Pero alam mo, Minlei, sobrang bait ni Minari. Selfless siya at inuu

