Shin Minlei's POV Biglang nag-alarm ang cellphone ni Kaliex na may sumusubok na alamin ang location niya. Ine-expect na niya na ito ang mangyayari once na bigla siyang mawala sa grupo nang walang paalam. "Ano iyan? Bakit natunog ng ganiyang ang cellphone mo?" kabadong tanong ko. "May sumusubok na i-access ang location niya. Huwag kang mag-alala, napaghandaan ko na ito. Walang makakaaalam kung nasaan ako o si Kaliex para hindi ka agad makita ng mga tao o kasapi natin sa clan," ika ni Den. "Alam mo naman, maparaan ka talaga kaya advanced mag-isip. Kaya ikaw ang pinakamaayos ipadala sa Vnight Academy kasama ko e. May tiwala ako sa iyo na magagawa mo nang maayos ang mga plano natin," saad ko sa kanya. "Nga lang, hindi ko alam kung successful ba tayo o ako mismo ang nanghila sa atin paba

