Shin Minlei's POV Makalipas ang isang araw ay napagpasyahan na ni Kaliex mag-message kay Denver na makipagkita sa kanya. Hindi niya sinabing nandito ako para hindi ito mabigla sa balita. Alam na rin ni Den ang mga plano namin ni Kaliex. Ngayon ay naniniwala na siya sa kaibigan naming si Denver na mapagkakatiwalaan pa rin siya. Naiintindihan na ni Den na para rin sa kapakanan ng Vnight Academy kaya hindi namin agad sinabi kay Denver na buhay pa ako. Dapat ako mismo ang makausap niya para mapigilan siya sa mga plano niya laban sa mga bampira. "Ano bang sinabi mo kay Denver?" tanong ni Den. "Hindi ko sinabi na narito si Minlei. Ang sabi ko ay may pag-uusapan lang kami tungkol sa mga low class vampires. Kapag nalaman niya na nandito si Minlei, tiyak na baka masama pa iyan ng ibang kasap

