Minari's POV "Dapat lang na lagi kong saulo ang proceso nito para magawan ko agad ng paraan kapag nakakita ako ng ganitong bato. Turuan na rin natin ang mga alam nating kayang mag-control ng bato na ito," ika ni Mio. Pinakita sa amin ni Mio ang bato na na-discover nila na magagamit laban sa malakas na bampirang gumagawa ng kasamaan. Pinatawag agad ni Mio ang mga kilala nilang may kakayahang maggawa ng araw gamit ang bato. Habang nasa Vnight pa si Mio ay maturuan na rin ang mga magagaling na estudyante rito. Hindi pwedeng iasa lahat ng trabaho kay Mio dahil baka doon pa ito manghina. Kahit papaano ay dapat pa rin niyang magpahinga. Ito na rin ang rason kung bakit ako narito. Nang makumpleto na nila ang alam nilang may kakayahan ay agad na nagsimula si Mio sa pagturo sa mga ito. Kani

