Shin Minlei's POV Inaayos ko ang aking mga gamit nang biglang mayroon nag-doorbell. Inaasahan ko na mamayang hapon pa sila makararating, naging tanghali na. Sinilip ko muna sa labas kung sino ang mga iyon. Hindi nga ako nagkakamali, sila Denver na nga iyon. Excited kong binuksan ang pintuan para makita agad ako ni Denver. Agad na nanlaki ang kanyang mga mata sa pagkakita sa akin. Tumingin pa siya sa dalawa niyang kasama na nakangiti na rin ngayon sa kanya. "Surprise!" saad ko kay Denver. "Totoo ba ito?" nagtatakang tanong niya. "Hindi ninyo ba ako pinagloloko na dalawa?" "Pumasok na kayo at baka may iba pang makakita sa inyo," utos ko sa kanila. Dahil hindi pa rin makapaniwala si Denver, hinila na lang nila ito papasok sa apartment ko. Agad kong sinarado ang pintuan para walang maka

