Shin Minlei's POV Umaasa ako na matatanggap ni Denver ang mga plano ko. Sanay ay maniwala siya sa akin na hindi talaga ang lahat ng bampira ang pinturya rito. "Denver, kapag sinabi ko ba sa 'yo ang plano ko ay makikipag-cooperate ka?" seryosong tanong ko sa kanya. "Mangangako ka ba sa akin na mapagkakatiwalaan ka at hindi ipagkakalat ito?" "Wala naman akong magagawa na e. Narito na ako at ang mahalaga sa akin ay buhay ka. Kailan ba ako hindi nagtiwala sa mga plano mo?" sagot niya sa akin. Napangiti ako sa kanya. Halos mangilid ang luha ko sa saya na tinanggap niya ang offer ko. Malaki talaga ang maitutulong nila sa plano kong ito. Sa kanila rin nanggagaling ang mga armas na nagamit noon ng mga miyembro namin. Ngayon ay wala nang nagsu-supply sa kanila dahil wala nang tiwala si Denver.

