Papunta kami ngayon sa bagong facility ni Denver na hindi niya pa nagagamit. Nakapagpapatayo na rin pala siya ng extension sa ibang lugar. Saktong-sakto na kailangan ko ng ganoong malawak na lugar. Sa tingin ko naman na kahit kaming apat lang ay masisimulan namin ang plano. Kahit ako nga lang ay okay lang. Mabilis naman na akong kumilos ngayon dahil nga isang bampira na ako. "Kung gusto mo ay pwede kang tumuloy na sa facilituy na iyon para hindi ka na nagbabayad pa ng rent," saad ni Denver. "Naku masyado nang nakakahiya sa iyo. Dapat nga binabayaran kita sa pagpapagamit mo ng facility, tapos dadagdag pa ako sa magiging sagutin mo. Okay na ako sa apartment na iyon, nakaayos naman na ang mga gamit ko," wika ko sa kanya. "May mga rooms naman doon. Wala naman iyang problema sa akin dahil

