Chapter 3: The Silent Protest

1848 Words
NAGISING si Carolina sa banayad na tunog ng mga ibon sa labas ng bintana. Ilang segundo siyang nakatitig sa kisame, inaalala kung ano ang nangyari kahapon. Parang panaginip lang ang kasal nila ni Dray sumagi muli ito sa isipan niya. Walang cake, walang halakhakan, walang halik sa altar. Just a cold binding of contract. Hindi rin siya pumayag na tabihan siya ng asawa niya. Over her dead body, hindi pa siya nawawala sa katinuan para makipagkasundo sa demonyong prinsipe na 'yon. Bumangon siya at naglakad papunta sa malaking salamin sa vanity. Kinuha niya ang hair brush at sinuklay ang buhok. “Princess Carolina Monterroyo- Krausse,” bulong niya sa sarili, pilit pinapaalala niya sa kanyang sarili na isa na siyang miyembro ng isang makapangyarihang pamilya, ang Krausse. Wala na siyang choice kung hindi yakapin ito. Bumuntong-hininga siya, nilapag ang brush at pumunta sa may bintana saka binuksan ang kurtina. Mula rito, kita ang malaking hardin na puno ng bulaklak at fountain na parang nasa palasyo pa sila nila sa Madrid. Kung hindi lang totoo ang lahat, iisipin niyang isang bangungot ito. Bangungot na pwede na siyang magising, pero ang masaklap ay totoo ang lahat, wala na silang kabuhayan, wala na ang palasyo nila at ang natitirang yaman na lang sa kanila ang titulo nila bilang mga prinsesa at ang Hacienda Del Oro sa Pilipinas. Ngayon, kasal pa siya sa isang estrangherong prinsipe sa papel. Biglang umalingawngaw ang sigaw mula sa kabilang wing ng mansiyon. Dinig niya ang boses ng kapatid na si Crisanta. “NOOO! You can’t just drag me out!” Napakurap si Carolina kaya lumabas siya ng kanyang silid. Sinundan niya ang ingay at bumilis ang lakad. Habang papalapit siya, mas lumalakas ang mga boses at ang ingay— sigaw, iyakan, at tunog ng mga hakbang sa marmol na sahig. Pagdating niya sa pasilyo, muntik siyang mapaatras sa eksenang nakita: dalawang butler at dalawang security staff ang pilit na hinihila ang mga kapatid niya palabas ng kwarto. Si Criselda hawak pa ang phone niya habang nag-video, si Corina umiiyak habang yakap ang isang unan, si Ciara ay nagdadabog, si Cornelia ay nakapamewang, at si Clarissa—ang bunso—literal na kumakapit sa hamba ng pinto na parang batang ayaw pumasok sa eskuwela. “Let me stay here! PLEASE!” umiiyak na sigaw ni Clarissa. “I’ll be your maid! I will wash the dishes, I swear!” Napatingin siya kay Duchess Amarynth na kalmado lang na nakatayo sa gilid. “Please, Your Grace, let me stay here!” Ngumiti lang si Duchess, mabait pero may bahid ng awa. “Darling, you would be a terrible maid. Off you go.” “THIS IS A HUMAN RIGHTS VIOLATION!” singhal ni Ciara habang tinatanggal ang kamay ni Clarissa sa hamba ng pinto. “This what they did to us! My sister's in-laws are horrible. You are on live people!” Naka- live si Criselda habang may dalawang viewers lang. “You can’t just throw us to Manila like luggages!” Napailing si Duchess Amarynth at kumaway lang sa head butler. “Escort them gently, please.” Nasa kalagitnaan pa sila ng pagwawala nang biglang marinig nila ang isang malamig na tinig mula sa likuran. “No need to shout.” Tumahimik agad ang lahat. Maging ang mga maid ay napahinto. Si Criselda ay pinatay ang live niya na may dalawang viewers. Nakatayo si Dray sa may hagdan, nakalagay ang isang kamay sa bulsa ng slacks at ang isa ay may hawak na tasa ng kape. Mukha siyang bagong ligo at hindi man lang naapektuhan ng gulo sa paligid. “Your sisters are leaving for Manila. Now,” malamig niyang pahayag. “Excuse me?” umabante si Carolina at tumingala siya rito, nanginginig ang boses pero puno ng galit. “You can’t just decide that for us!” “Already did.” Umiling lang si Dray, umiinom ng kape na para bang wala lang. “They’ll be safer in the Philippines. This estate isn’t a vacation house, Princesa. This masion is a fortress. And I don’t need six extra liabilities running around.” “Liabilities?!” halos pasigaw si Carolina. “They’re my family!” Dahan-dahan siyang bumaba ng hagdan, mabagal at kontrolado ang bawat hakbang, hanggang sa halos magka-level na sila ngumisi siya muna sa asawa ng nakakaloko at pumunta sa gawi ng ina saka humalik sa pisngi nito. "I'll leave this to you." Sabi sa kanya ng ina at umalis na ito. "Yes, Ma." Matapos batiin ang ina ay tinitigan niya si Carolina ng diretso sa mata. “Then you should thank me,” aniya sa mababang boses na lalong nakapagpatayo ng balahibo ni Carolina. “Because I’m keeping them alive.” Nalagutan ng salita si Carolina at hindi siya makapaniwala. Sobrang inis niya kay Dray gusto niyang sapakin ito or worst pagbabarilin. Pero wala siyang kapangyarihan kahit na ba isa na siyang Krausse. Gustong umiyak ni Carolina pero hindi sa harap ni Dray. Hindi sa harap ng kinaiinisan niyang tao na magpapakita siya ng kahinaan. Sa labas, narinig ang pag-start ng mga SUV. Isa- isang pinasakay ang mga kapatid niya. Si Clarissa ay nakadikit pa ang mukha sa bintana ng sasakyan, kumakaway na parang kindergarten na papasok ng first day of school. “Ate Cae!” sigaw ni Corina mula sa loob. “We’ll call you—” bago nagsara ang pinto. Tahimik lang si Carolina, nakatingin hanggang sa tuluyang makaalis ang convoy. Ang dibdib niya ay parang pinipiga, pero mas nangingibabaw ang galit. Nang mawala na sa paningin niya ang sasakyan kung saan sakay ang mga kapatid niya. Nagmadali naman siyang pumasok muli sa loob ng mansiyon. Pumunta agad siya sa study kung saan naglalagi ang prinsipe. Dambuhala ang pinto ng grand study ng Krausse mansion nakaukit pa rito ang family crest nila na may disenyong mga bulaklak at isang kabayo. Pero nabuhat ni Carolina ito at padabog na binuksan ang pinto na gawa sa mabigat at mamahaling Narra. “You had no right—” panimula niya, pero hindi na niya natapos dahil nakita nanaman niya ang kalandian nitong maid kahapon at mukhang na istorbo niya ang mga ito. Pero nagtaas- noo siya at masama ang tingin niya kay Dray. Kusa naman umalis ang maid. Lumapit sa kanya ang prinsipe hanggang halos magdikit ang mukha nila. “I have every right,” bulong niya, malamig pero mapanganib. “You are my wife. This is my house. And until you learn how to survive here, I suggest you stop questioning my orders.” Kinagat ni Carolina ang pang- ibabang labi niya para hindi sumagot. Pero kung bibigyan siya ng kahit isang segundo, gusto niyang sampalin ito. Ngumiti si Dray, isang mapanganib na ngisi na lalong nagpainit sa ulo niya. “Good girl.” Tinalikuran siya nito at naglakad palayo, iniwan siyang nanginginig sa galit. Pero hindi pa rin inalis ni Carolina ang masamang tingin niya sa prinsipe. Habang papunta siya sa kanyang silid, napahawak siya sa dibdib niya. Galit, inis, takot at lahat nagsama-sama na. Hindi pa siya sigurado kung sino talaga ang pinakasalan niya, pero malinaw ang isang bagay: si Prince Snapdragon Krausse ay hindi lalaking mabait o romantiko. At kung magtatagal siya dito, kailangan niyang matutunang labanan ito, o baka lamunin siya ng buo nito at iyon ang hindi siya makakapayag. Nanahimik ang buong mansiyon, kahit na magugulo ang mga kapatid niya mahal ni Carolina ang mga ito. Isang tagasilbi ang sinabihan siya na handa na ang agahan. Sumunod siya rito. Pero imbes na umupo sa hapag-kainan ay dumiretso siya sa hardin at doon nagpalipas ng oras. Nagbasa siya ng libro, naglakad-lakad, at uminom ng tsaa na siya mismo ang nagtimpla. Ayaw niyang may maid na makialam. Nakita siya ni Dray mula sa veranda, nakasandal sa upuan habang may sariling mundo. Bumaba ang prinsipe at nagtungo kung nasaan siya. Naka tight dark longsleeve ito na tinupi ang manggas hanggang braso. “You're not gonna eat?” malamig ang pagakakasabi nito pero curious na tinanong siya. Tahimik si Carolina. Hindi man lang siya tumingin dito. Parang hindi niya ito narinig. Nagtigil si Dray sa tapat niya. “Carolina,” tawag nito, mas mababa ang boses. Tahimik pa rin siya. Nilipat lang niya ang pahina ng binabasa at walang pakialam sa prinsipe. Kumunot ang noo ng prinsipe. “Are you seriously ignoring me right now?” may halong disbelief at amused na tono. No response. Napangisi si Dray, pero hindi iyon masayang ngisi. Iyon ang ngisi na parang nagbabanta. “Fine. Let’s play it that way.” Umalis ito, ngunit halata ang tensyon sa lakad nito. Nang magtanghalian, hindi lumabas ng kuwarto niya si Carolina at nagpadala na lang siya ng ham sandwich at hibiscus tea. Matapos ilagay ang tray ng pinagkainan sa labas ng silid ay ni-lock agad niya ang pinto. Kinagabihan, sa hapag-kainan, pareho silang naroon. Tahimik si Carolina habang kumakain, parang hindi aware na may kaharap siyang prinsipe. Dray watches her intently, sinasadyang dahan-dahan ding kumain, pero si Dray na ang nagsalita. “Would you like some wine?” tanong ni Dray, kahit alam niyang hindi siya sasagot. Tahimik si Carolina. Naglagay lang siya ng tubig sa baso niya at uminom. Napailing si Dray at umigting ang panga nito. “You know,” mababang boses ni Dray, “most people would be terrified to give me the silent treatment.” Carolina just smiled faintly. Polite, almost mocking him. Nagpatuloy siya sa pagkain. Later that night, naisipan na ni Dray na kumprontahin ang asawa. Kumatok muna siya, pero hindi siya pinagbuksan ng pinto. Ginamit niya ang sariling susi para makapasok sa silid. Naabutan niya si Carolina nasa harap ng vanity at nagsusuklay ito ng buhok. Hindi nagulat si Carolina. “Wala ka bang alam na personal space?” malamig na sabi nito. Lumapit si Dray hanggang maramdaman niya ang presensya nito sa likod niya. “You can be angry, princesa. Don't you dare to ignore me.” Humarap si Carolina, taas-noo, at tumingin diretso sa mga mata niya. Ang mga matang naghahalo ang kulay ng luntiang kaparangan at bughaw na kalangitan. Napakaganda nito ngunit mapanganib at nababalot ng kademonyohan ang nag mamay-ari. “I’m not angry. I simply don’t have anything to say to you.” Bahagyang napangiti si Dray pero nagtagis- bagang ito ng bahagya. “Then I’ll just have to do it in a rough way.” Kinuha nito ang hairbrush mula sa kamay niya at marahan itong inilapag sa mesa. Saka siya bahagyang yumuko si Dray, nagsi tayuan ang balahibo ni Carolina at hindi pa niya inasahan ang sumunod na ginawa ng prinsipe. Dray brushes his lips on Carolina's neck, ramdam niya ang bawat paghinga nito sa kanyang balat. "You're now a Krausse,” bulong niya, mababa ang boses nito. “You can never run away from it... Wife.” Tumalikod ito at lumabas ng kwarto, iniwan siyang nakatayo at humahabol ang hininga pero sa kabila nito, mas lalo pa niyang kinamunghian ang prinsipe. Napakuyom siya ng kanyang kamao sa sobrang inis niya. At base sa pagkasabi nito sa kanya, hindi iyon basta paalala dahil isa iyong babala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD