bc

His Darkest Desire (The Royal Obsession Series)

book_age18+
2
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
contract marriage
family
HE
friends to lovers
arranged marriage
heir/heiress
drama
sweet
kicking
lies
like
intro-logo
Blurb

Nang bumagsak ang negosyo ng pamilyang Monterroyo sa Espanya, napilitan silang lisanin ang marangyang buhay at bumalik sa tanging yaman na natitira sa kanila, ang Hacienda Del Oro. Ang lumang hacienda ng kanilang ina sa Pilipinas.

Siya si Princesa Carolina Alejandra Eliza Monterroyo y Del Oro at isang prinsesa dahil sa ama nito na isang Conde. Panganay siya sa magkakapatid, palaging kalmado, elegante, at sandigan ng pamilya. Tungkulin muna bago sarili, kahit unti-unting gumuho ang sariling mundo.

Ngunit upang mailigtas ang pangalan ng pamilya, ipinahayag ng kanilang ama ang isang hindi inaasahang plano: isang arranged marriage.

Kay Prince Snapdragon "Dray" Krausse at isang aroganteng prinsipe at tagapagmana ng isang makapangyarihang Dutch-Asian dynasty. Kilala siya bilang business tycoon na walang sinasanto, may kayamanang kayang bilhin ang mundo, at karismang kayang wasakin ang puso ng sinumang lalapit. Isang prinsipe na may sariling madilim na kaharian.

Mula sa unang pagkikita nila, sumiklab ang tensyon. Galit, inis, at isang uri ng pagnanasang hindi nila maikakaila. Ang kasunduang dapat sana'y simpleng pormalidad lang, nauwi sa shotgun engagement, eskandalo, at isang royal wedding na maaaring maging kaligtasan o tuluyang kapahamakan ng kanilang pangalan.

At dito matutuklasan ni Carolina na minsan, mas mabigat isuot ang koronang minana kaysa sa koronang pinangarap.

At minsan, ang lalaking pilit mong iniiwasan... siya rin ang lalaking hindi mo na kayang pakawalan.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: The Drama Princesses
THEY always think a princess is for a prince. That somewhere in this world, a royal wedding awaits. A perfect ceremony in a cathedral, a tiara that gleams under the chandeliers, and a happily-ever-after that ends with a perfect kiss. And once upon a time, that was Princess Carolina Alejandra Eliza Monterroyo y Del Oro’s dream too. A beautiful wedding. A prince charming. A love story worthy of the crown. But this? This was no fairytale. Because this time, the princess was not walking down the aisle to meet her prince. She was flying economy class. Maingay ang eroplano. Pero hindi dahil sa makina, kundi dahil sa pitong prinsesa na halos magkagulo sa economy class. First time kasi nilang lahat sumakay sa isang commercial flight. Dati kasi private jet sila palagi, may sariling cabin, may sariling chef, may kanya- kanyang butler at mabango ang paligid. Ngayon? Amoy halo-halong tao, may iyak-bata sa unahan, at may katabi silang humihilik. Si Princess Ciara ang pinaka-hindi natutuwa. Naka- crossed arms pa ito habang naka-upo, lumilingon- lingon pa ito sa paligid na para bang may paparazzi na kinukunan siya sa bad angle. “This is unacceptable! Papa owes me a yacht after this! Who even flies commercial? This is barbaric!” Reklamo niya. Sa tabi niya, hindi na lumilingon si Princess Criselda, tuloy-tuloy lang sa pag-type sa phone niya at pag scroll kahit walang signal. “You don’t get it! My followers probably think I’m dead! Three months, no content, no posts—my engagement rate is dying!” Atungal niya. Napasandal siya sa upuan at siniko niya pa ang katabi dahil humilig ito sa balikat niya. Sabay inirapan ang tao na bumalik sa paghihilik nito. Si Princess Cornelia naman, chill lang, parang wala sa eksena. Hindi maalis ang mga mata sa librong binabasa niya. “Girls, seriously? I’m fine. I have books, I have peace. I’m living my best life,” sabay flip ng page na parang nasa spa lang. Sa kabilang aisle, si Princess Crisanta parang makikipag-away. Puno ng gummy bears ang bibig at kada nguya niya ng candy ay napapalingon ang mga pasahero. “I’m stressed, okay? If I stop chewing, I might scream. Or worse... I'll fight someone.” Umiiyak pa rin si Princess Corina siya ang pinaka naapektuhan ng kanilang paglisan sa bansang kinalakihan. Dahil, ma- mi- miss niya ang mga kaibigan niya. Lalo na ang kasintahan niya na si Tristan. Kung si Princess Corina ay tahimik na umiiyak ibahin niyo ang bunso nilang prinsesa na si Princess Clarissa. Kanina pa ito lumuha pero pinupunasan ito agad ng dalang panyo at may kasamang reklamo. “I want to go home!” halos pasigaw niyang sabi. “This is not a royal treatment! Somebody call the embassy!” Bago pa ito tuluyang mag-wala sa gitna ng aisle ng eroplano, hinila na siya ni Ciara pabalik sa upuan. “Clarissa, sit down before we disown you!” Saway niya sa bunsong kapatid. Nagkatinginan silang lahat at napunta ang mata kay Princess Carolina, ang panganay. Tahimik lang ito, nakaupo ng diretso, at parang wala siyang pakialam sa kaguluhan. Malamig ang ngiti niya, parang galing sa isang royal portrait. “Everyone, breathe,” malumanay niyang sabi. “We are the representatives of the Crown. We must behave with dignity.” Tumahimik silang lahat bigla sa sinabi ng kanilang nakatatandang kapatid. Pero kung maririnig lang nila ang nasa utak ni Carolina, baka lahat sila sumigaw na rin. "My royal spine is breaking. If one more person sneezes near me, I will start a war against commercial aviation. And this seat... God help me, this seat doesn’t recline properly!" Reklamo ni Carolina sa kanyang isipan. Huminga siya nang malalim, inayos ang buhok, at pilit na ngumiti ulit. Kailangan niyang magpakatatag. Siya ang panganay. Siya ang magiging magandang ehemplo dapat para sa kanyang mga kapatid. Pero sa loob-loob niya, gusto niya nang sumabog. Lumapag ang eroplano sa Changi Airport, Singapore. Wala kasing deretchong flight mula sa Spain to the Philippines. Halos sabay-sabay na bumuntong-hininga ang pitong prinsesa. Akala mo’y red-carpet event ang paglabas nila sa terminal: designer luggage, malalaking shades, at mga outfit na parang pang-photoshoot. Pero kahit gaano sila ka-prepared, walang royal red carpet, walang mga militar at walang mga alalay na nag- aabang sa kanila sa nakasanayan nila. Sa arrival hall, may nakapark na tatlong black luxury SUVs na may tinted windows. May nakatayo ring mahigit sampung security personnel — lahat naka-black suit, naka-earpiece, at mukhang pwedeng lumaban sa action movie kahit walang stunt double. Ang mga pasahero sa paligid ay napapalingon na, may kumukuha pa ng video. Doon nila nakita ang lalaking nasa gitna ng lahat. Matangkad. Broad-shouldered. Immaculately dressed in a black three-piece suit na para bang kinuha direkta sa runway ng Milan. May suot siyang mamahaling relo na mas mahal pa yata sa buong flight ticket nila, at ang tindig niya ay parang sanay utusan ang isang bansa o wasakin ito kung kinakailangan. Prince Snapdragon Krausse. Hindi man niya sabihin, halata na siya ang boss. They already heard him before. Paglapit niya sa kanila, hindi siya ngumiti. Hindi rin siya nag-abala na magpakumbaba o makipagkamay. Sa halip, tumigil siya sa harap nila at bahagyang tinaas ang baba, parang sinusukat sila isa-isa gamit ang malamig at mapanganib na tingin. “Princess Carolina,” mababa at malutong ang boses niya. “You and your sisters will come with me.” Napataas ang kilay ni Carolina, halatang hindi impressed. “And you are?” malamig na tanong niya. Bahagyang sumilay ang isang mapanganib na ngiti sa labi ni Dray. “Prince Snapdragon Krausse, you can call me Prince Dray or Dray whatever you want,” aniya, may halong kayabangan sa tono. “Your father should have told you someone would meet you here.” Nagkatinginan ang magkakapatid, halatang hindi alam ang sasabihin. “Oh wow,” bulong ni Ciara. “I’m intimidated.” Si Crisanta naman, dumukot ng gummy bears mula sa purse at sinubo ang tatlo. “He’s hot but scary." She scoffed. "This is a problem,” sabi niya bago ngumiti sa lalaking prinsipe. Binalingan siya ni Dray ng isang malamig na tingin, na para bang nagtataka kung bakit may naglalakad na rainbow girl sa harap niya na kumakain ng gummy bears sa gitna ng tensyon. “Do you always bring candy to airport lobbies?” tanong nito, deadpan. “Yes,” sagot ni Crisanta na parang walang pakialam. Tinarayan niya ang prinsipe sabay hila ng kanyang sariling luggage. Bumalik ang tingin ni Dray kay Carolina, tila nawalan ng pasensya. “We don’t have time for pleasantries,” aniya. “Get in the car. My security detail will take care of your luggage.” Naramdaman ni Carolina ang pagkulo ng dugo niya. Dahil parang nilalait siya ng prinsipe lalo na ang mga kapatid niya. How dare this man order me around like one of his employees. Sabi niya sa kanyang isipan. Ngumiti siya dito ng malamig, matamis at mapanganib. “You may be a prince, Señor Krausse,” marahan niyang sabi, “but I don’t take orders from strangers.” Isang iglap na katahimikan ang bumalot sa pagitan nila. Si Dray, hindi umatras. Mas lalo pang lumalim ang ngiti nito, halos mapang-asar. “Then I suggest,” bulong niya, bahagyang yumuko para sila lang ang makarinig, “you get to know me fast, Princesa. It might save your life.” Inirapan niya ito. Saka ibinigay ang mga dala niya sa security personel ng prinsipe. Nakarating sila sa private estate ng mga Krausse sa Singapore, hindi pa rin kumikibo si Carolina. Tahimik lang siyang nakaupo sa loob ng SUV habang nakatingin sa labas ng bintana, sinusubukang itago ang inis. Kahit maganda ang mansyon, kahit halatang ultra-rich ang pamilya ng lalaking ito, hindi niya maalis sa isipan na parang siyang isang 'balik-bayan package' na idineliver mula Spain. Ang ama ni Carolina ay isang conde sa bansang Espanya. May dugo siyang Filipino dahil sa ina nila na si Doña Corazon Elena Del Oro- Monterroyo. Ang mga Del Oro ay mga Peninsulares, mula sila sa Espanya noong panahon ng kolonial ng Espanya sa Pilipinas. May dugong bughaw din ang kanilang ina pero isa na itong Filipino. Pinagkasundo lang din ito sa tatay nilang Conde kaya mga dugong-bughaw sila at mga prinsesa. Pagbaba nila ng sasakyan at pumasok ng mansyon ng mga Krausse, sinalubong sila nina Duke Leopold at Duchess Amarynth mismo. Maayos at pormal ang bati sa kanila, parang diplomatic reception at may mga maids na nakahanay, at may dala pang silver tray ng alak ang mga butlers. “Princess Carolina, welcome,” magiliw na bati ni Duchess Amarynth, halik sa pisngi at ngiti na parang walang bahid ng tensyon. “We are honored to have you here.” “Gracias, Your Grace,” mahinahon na tugon ni Carolina, kahit sa loob-loob niya ay gusto na niyang bumalik sa Madrid. Dinala sila sa isang grand study na punong-puno ng leather-bound books at mamahaling artifacts. Doon, nakita niya ang isang mahaba at makintab na mesa at sa gitna nito, nakalatag ang isang makapal na dokumento. “You must be tired from your trip,” ani Duke Leopold habang umuupo sa magarang swivel chair. “But this will only take a few minutes. We thought it best to finalize everything before you return to the Philippines.” Nanlamig ang pakiramdam ni Carolina nang marinig iyon. “Finalize?” mahinahon niyang tanong. “Yes,” sabat ni Dray, na ngayon ay nakasandal sa armchair, parang nanonood lang ng palabas. “The marriage contract. It needs both our signatures today.” Parang biglang bumigat ang hangin. “I–I wasn’t told this would happen now,” mahinahon ngunit mariing sabi ni Carolina. “Papà said we would discuss terms first—” “Everything was already discussed,” putol ni Duke Leopold. “Your father has agreed. All that remains is your consent.” Napatingin siya kay Dray, na may bahagyang ngiti sa labi, parang alam niyang maiinis siya. “Consent?” ulit ni Carolina. “You think my signature is just a formality?” “Yes,” sagot ni Dray, walang pag-aalinlangan. “That’s exactly what I think.” Hindi makapaniwala si Carolina. Ang akala niya may kasalang magaganap na engrande. Tanggap na nga niya na magpapakasal siya sa isang estrangherong prinsipe. Pero ito pala ang dadatnan niya. Naramdaman niya ang init sa kanyang pisngi, galit na galit siya pero composed pa rin. Tumayo siya nang marahan, kinuha ang pen mula sa tray, at sinulat ang pangalan niya sa huling page ng kontrata at bawat letra ay halatang puno ng inis. Hindi niya na pinansin ang lawyer na nagbabasa ng parang disclosure sa pag- loan ng isang kotse. Maging ang mga kapatid niya na nakaupo lang sa isang tabi ng study room. Pagkatapos niyang pirmahan, iniabot niya ito kay Dray. “There. Enjoy your convenience, Your Highness,” malamig niyang sabi. Pinirmahan din niya ang dokumento na parang wala lang. Pagkatapos, tumingin siya kay Carolina at ngumiti — hindi sweet, kundi parang nanalo sa isang laban. “Now you’re my wife,” aniya sa mababang boses. “Congratulations, Princesa Carolina.” Napakagat siya sa loob ng pisngi para pigilan ang pag-iyak. Napatingin siya sa kanyang mga kapatid na para bang nanghihingi siya ng tulong sa mga ito. Ang kaso, pare-parehas silang walang mga boses at kapangyarihan. What has been discussed by their parents, kailangan sundin at hindi puwedeng baliin. Ito ang pinakamasakit na parte, dahil meron siyang titulo na isang prinsesa, hindi siya puwedeng maghirap. Hindi siya puwedeng sumuway. Lalong hindi siya puwedeng maging ordinaryo. Kahit gustuhin ni Carolina na tumakbo, kahit gustuhin niyang sumigaw at kumawala sa nakagapos sa kanya—wala siyang magawa. Prinsesa siya. Ang pangalan niya ay hindi lang kanya, kundi pag-aari ng lahi at kasaysayan. At iyon ang pinakamasakit na katotohanan. Alam ng lahat na kapag prinsesa ka, dapat mayaman ka. Dapat maganda ka. Dapat elegante ka. Dapat perpekto ka. Ngunit walang nakakaalam kung gaano kabigat ang korona sa ulo niya, at kung gaano kasakit ang bigat nito puso niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.1K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.5K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.4K
bc

The Real About My Husband

read
35.4K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
10.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
25.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook