Story By GreenLime8
author-avatar

GreenLime8

ABOUTquote
A former Wa**pd writer. I\\\'m Anya. I preferred to be called in my second name for short, but you can call me Caroline for long. Ma- erbog hahaha! Speak what\\\'s on your mind. Seek every word in your soul. Write with all your heart. - Anya I dont want to say I write bec. I just want to, I write to inspire people. I found myself in writing specially fantasy stories also gothic werewolves stories. Not to escape from reality but to reveal my true-self. It\\\\\\\'s good to be here! Follow me. It will be awesome!
bc
His Darkest Desire (The Royal Obsession Series)
Updated at Dec 19, 2025, 22:54
Nang bumagsak ang negosyo ng pamilyang Monterroyo sa Espanya, napilitan silang lisanin ang marangyang buhay at bumalik sa tanging yaman na natitira sa kanila, ang Hacienda Del Oro. Ang lumang hacienda ng kanilang ina sa Pilipinas. Siya si Princesa Carolina Alejandra Eliza Monterroyo y Del Oro at isang prinsesa dahil sa ama nito na isang Conde. Panganay siya sa magkakapatid, palaging kalmado, elegante, at sandigan ng pamilya. Tungkulin muna bago sarili, kahit unti-unting gumuho ang sariling mundo. Ngunit upang mailigtas ang pangalan ng pamilya, ipinahayag ng kanilang ama ang isang hindi inaasahang plano: isang arranged marriage. Kay Prince Snapdragon "Dray" Krausse at isang aroganteng prinsipe at tagapagmana ng isang makapangyarihang Dutch-Asian dynasty. Kilala siya bilang business tycoon na walang sinasanto, may kayamanang kayang bilhin ang mundo, at karismang kayang wasakin ang puso ng sinumang lalapit. Isang prinsipe na may sariling madilim na kaharian. Mula sa unang pagkikita nila, sumiklab ang tensyon. Galit, inis, at isang uri ng pagnanasang hindi nila maikakaila. Ang kasunduang dapat sana'y simpleng pormalidad lang, nauwi sa shotgun engagement, eskandalo, at isang royal wedding na maaaring maging kaligtasan o tuluyang kapahamakan ng kanilang pangalan. At dito matutuklasan ni Carolina na minsan, mas mabigat isuot ang koronang minana kaysa sa koronang pinangarap. At minsan, ang lalaking pilit mong iniiwasan... siya rin ang lalaking hindi mo na kayang pakawalan.
like
bc
The Revenge of the Queen (The Ruined Vows Series)
Updated at Dec 15, 2025, 23:19
Namatay siyang reyna. Nagising siyang isang asawang hindi minahal, kinukutya, niloko, at sa huli, gustong patayin ng sariling asawa. Si Alessa Dela Merced-Rivera ay babaeng madaling burahin. Tahimik. Sunud-sunuran. Sapat para pakasalan, ngunit hindi kailanman sapat para piliin. Pinili ni Ethan Rivera ang kapangyarihan. Ang kanyang kalaguyo. At sa gabing itinulak si Alessa sa tubig, pinili niyang mawala ito magpakailanman. Ngunit ang babaeng iyon ay hindi namatay. Noong 1681, si Reina Ysabel Leonor de Rojo ay pinaslang sa loob ng sariling palasyo. Sinaksak siya ng lalaking pinagkatiwalaan niya ng buhay at korona. Sa kanyang huling hininga, nagising ang kapangyarihan ng pulseras, isang pamana ng kanyang pamilya. Sa halip na mabaon sa dilim, ay nakabalik siya. Ngunit sa katawan ng babaeng gustong ipapatay ni Ethan Rivera. At doon niya napagtanto ang katotohanang matagal nang naghihintay, ang asawang kaharap niya ngayon ay ang lalaking pumatay sa kanya noon. Si Don Esteban Montemayor. Nagpalit lamang ng pangalan.Nagbihis ng bagong panahon. Ngunit dala pa rin ang parehong kasalanan. Hindi na siya iiyak. Lalong hinding- hindi siya magmamakaawa. At hindi na siya maghihintay na piliin pa. Dahil ang isang reyna ay hindi nilikha upang mamatay sa kamay ng lalaking sinayang siya. Siya ang nagbalik upang wakasan ang lahat. Sa panahong ito, hindi siya babagsak sa patalim. Hindi na rin siya lulubog sa tubig. At ang lalaking minsang pumatay sa kanya ay mabubuhay upang makita kung paano winawasak ng isang reyna ang mga lalaking inakala nilang hawak nila ang mga babae sa leeg. "Nagmula man ako sa unang panahon, kung ang mga babae ay tinuturing na palamuti lamang at walang boses. Pero patutunayan ko na hindi sa panahong ito. Dahil tayo ang reyna ng mga sarili natin, gorachi girly fighting!" —Reina Ysabel Leonor de Rojo.
like
bc
My Possessive Stepbrother (Euphoria Series)
Updated at Dec 6, 2025, 20:20
Nagbago ang buhay ni Arisielle Dominguez, nang ampunin siya ng pamilyang Del Quinco–Huangcho—isang mayamang angkang may limang anak na lalaki at isang babae na kaedad niya. Akala niya natagpuan niya na ang tunay na tahanan.Mula sa unang araw pa lang, alam na niyang iba ang titig sa kanya ni Knife Blade Del Quinco-Huangcho—ang tahimik, matalim, at misteryosong middle child na parang laging may tinatago.Lumipas ang mga taon. Si Knife, isa nang kilalang detective—brilliant, cold, at halos hindi na mahawakan ng mundo.Si Arisielle naman, isang designer na tahimik ang pamumuhay, pero hindi pa rin nakakaalpas sa mga titig at salita ng lalaking matagal na niyang iniiwasan.Hanggang isang araw, biglang gumuho ang lahat. Namatay si Katana, ang kapatid nilang babae, at ang mga bakas ng katotohanan ay nagtuturo sa isang lugar na tinatawag na Euphoria—isang lihim na mundo ng kasiyahan, karangyaan, at kasalanan.At doon sila muling nagtagpo. Sa lugar kung saan hindi mo alam kung sino ang inosente at sino ang nagtatago ng halimaw sa ilalim ng ngiti.Doon muling sumiklab ang tensyon—hindi na lang dahil sa nakaraan, kundi dahil sa pagnanasang hindi na nila kayang itago.Sa gitna ng mga lihim, tukso, at kasinungalingan—isang tanong lang ang kailangang sagutin:Hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-ibig kung ang tanging bawal ay siya ring tanging gusto mo?"You're mine, Arisielle. My little sis.""I am always yours Kuya KB."
like
bc
Mga Tambay ng Kaligay Alley (Book 1): Baldo
Updated at Dec 5, 2025, 22:36
Sa murang edad, namulat si Rolando “Baldo” Valdez sa kahirapan sa isang isla na ang tawag ay Barrio Puso-Puso— isang barrio na payak, puno ng ingay, at may halong lungkot na tinatago sa halakhak ng mga tao. Nagsikap siyang mabuhay sa tulong ng kanyang Inang Tunon… hanggang dumating ang gabi na tuluyang nagbago ang mundo niya. Isang maling ugnayan. Isang trahedyang hindi niya ginusto. Isang kasong nagkulong sa kanya—at nagwasak sa natitirang inosente sa puso niya. Paglabas niya ng kulungan, dala niya ang bigat ng kahapon. Pero dala rin niya ang apoy na gusto niyang patayin—o yakapin. Bumalik siya sa Barrio Puso-Puso na may pangalawang pagkakataon sa buhay. Doon siya napiling scholar ni Prince Magnus may ari ng Euphoria— at mula sa isang batang mangingisda, naging isa siyang prestihiyosong Chef na hinahangaan ng buong isla. Wala na siya sa kalye ng Kaligay Alley. Wala na siya sa pilas ng kahoy na kubo. Siya na ngayon ang nag-aangat ng kabuhayan ng barrio. Pero may isang alaala ang hindi niya kayang talikuran: ang maamong ngiti ng dating kalaro at naging kaibigan si Natalia Herrera— ang unang babaeng kumalabit sa puso niya bago pa siya wasakin ng mundo. Ngayon, nagbalik si Talia sa buhay niya. Mas maganda. Mas matapang. Mas hindi na takot sa kanya. Dahil ang lalaking bumalik—ay hindi na si Baldo na kilala niya noon. Ito na ang Baldo na may sugat, galit, at kontrol na kaya nang manakit… o magmahal nang lubos. At sa muling pagtatagpo nila, mapipilitan silang harapin ang tanong: May lugar pa ba ang pag-ibig sa puso ng lalaking galing sa dilim— at sa babaeng minsang naging liwanag niya?
like
bc
A Kiss In the Dark (Euphoria Series)
Updated at Nov 2, 2025, 14:59
Sa ilalim ng mga ilaw ng Euphoria Island—isang paraisong puno ng kasalanan at lihim—may dalawang kaluluwang parehong sugatan: isang babaeng nawalan ng anak,at isang lalaking nabubuhay sa dilim ng kanyang pagkabulag at pagkakasala.Si Kalis Huangcho, dating biktima ni Daemir Corvinel, ay ngayo’y nagtuturo ng sayaw upang kalimutan ang nakaraan.Akala niya, tapos na ang bangungot—hanggang sa isang file na may pangalang “Kalila”ang muling gumising sa matagal nang pinipigilang pag-asa.Ang anak na akala niya’y patay na.Si Dark Corvinel, ang bulag at tahimik na kapatid ng halimaw na sumira sa kanya,ang tanging lalaking hindi niya kayang pagkatiwalaan—ngunit siya rin ang tanging tutulong sa kanya para hanapin ang katotohanan.Sa kanilang paglalakbay sa ilalim ng mga lihim ng Euphoria,unti-unting naglaho ang galit, at sa dilim ay nabuo ang isang pag-ibig na hindi nila inaasahan.Ngunit sa mundong ginawang laruan ng kasalanan at pagkukunwari,hanggang saan mo ipaglalaban ang pag-ibig kung ito rin ang tanging bawal?Dahil sa dulo,hindi lahat ng halik ay nagdadala ng liwanag—ang iba, nagmumula mismo sa dilim.
like
bc
My Bastard Billionaire Uncle (Euphoria Series)
Updated at Nov 1, 2025, 19:04
Sa mata ng lahat, si Anthony “Thanos” Morelli ay walang ibang alam kundi alak, yosi, at babae. Siya ang bastard son ng Morelli clan — ang itinatagong kahihiyan ng pamilya. Pero sa loob ng Euphoria, siya ang hari ng gabi. Misteryosong lalaki sa leather jacket na walang sinasanto, walang iniiwan na pusong buo. Hanggang sa dumating ang araw na ikinasal ang pamangkin niyang si Jace Velasquez sa babaeng matagal na niyang gustong kalimutan — si Averie Funtaniel, ang dating babaeng palangiti na minsang inalagaan niya mula sa dilim, at kinilala siya bilang Uncle Thanos. Hindi niya alam, siya rin pala ang matagal nang itinitibok ng puso nito. Hanggang sa isang aksidente ang bumura ng lahat, at naiwan siyang balo. At nang muli silang magtagpo ni Averie sa loob ng Euphoria — ang mundong tinatago ni Thanos. At dito, hindi na upang tumakas pa sa apoy ng bawal na pag-ibig na noon pa man ay sinisikil nila pareho. Sa ilalim ng mga ilaw ng isla ng Euphoria, muling nabuhay ang mga damdaming matagal nang tinanggihan. Ngunit sa piling ng bastardo, may halik na kasing tamis ng kasalanan at kasing pait ng katotohanan. Sa pagitan ng kasalanan at katotohanan, sino ang unang susuko — ang babaeng minahal ng pamangkin, o ang lalaking itinakwil ng mundo? Dahil sa mundong ito, ang tanging kasalanan nila ay ang magmahal muli at buksan ang mga puso. Because in Euphoria, even forbidden love feels divine.
like
bc
The Masked Groom (Tagalog/Filipino)
Updated at Aug 16, 2025, 03:31
She took her sister's place in a marriage meant to be her ruin.He was supposed to be a dying man-scarred, forgotten, unloved.But nothing about him was what the world claimed.In a world built on secrets, masks, and names that aren't truly ours. . .she never expected to become the one he couldn't let go.Some vows are spoken.Others are forged in fire. Written in: Taglish
like
bc
Euphoria: The Heiress' Pitstop
Updated at Aug 15, 2025, 05:29
Heartbroken, billionaire, and ready to forget… Cheyenne Liangco is escaping to Euphoria, the ultimate playground for the rich and reckless.He’s Bugatti—F1 pit mechanic and an escort of Ligaya & Adonis. Para sa kanya, trabaho lang ito. Para kay Cheyenne, isang night of fun to forget.No names. No strings. Just temptation.Pero sa isang isla na full of secrets, champagne, and forbidden desires… they didn’t plan to fall.She thought it would end there—just a pitstop in her messy life.But Henry Galvez as Bugatti wasn’t just a thrill. He was a man with his own scars, his own battles, and the power to make her want more than a loveless engagement.Two worlds. One impossible attraction.Will they ride the thrill… or slam the brakes before it’s too late?
like
bc
Guns & Romance: Rigel Monreux (Book 1: House of Anubis) Tagalog/Filipino
Updated at Jul 31, 2025, 00:47
Sa likod ng kumikislap na kinang ng pinaka-marangyang hotel sa Maynila, may lihim na mas matanda pa sa mga bumagsak na kaharian — ang sagradong samahan na pinangangalagaan ng House of Anubis, isang sinaunang orden na tahimik na kumikilos sa anino ng daigdig. Si Rigel Monreux — cold, calculated, ruthless. Siya ang Coin Master ng House of Anubis, the man who never slips, never falls. Pero lahat nagbabago nang dumating si Lilyday Aguas — fierce, brilliant, and born from bloodlines na konektado sa pinakamatandang kaalyado ng kanilang samahan. She’s everything he shouldn’t want… but everything he can’t stay away from. Sa mundong ang kahinaan ay kasalanan, at ang pag-ibig ay parusang walang patawad, paano kung ang tanging nais mong protektahan… ay siyang unti-unting wawasak sa'yo? Habang ang mga gutom sa kapangyarihan ay nagbabadya ng digmaan, at ang pagtataksil ay unti-unting gumagapang sa loob ng Horizon Hotel, kailangan nilang pumili: panatilihin ang sagradong balanse ng mundo na kanilang ginagalawan — o magpakalunod sa dilim na silang dalawa ang mismong magpapalaya. Because in the House of Anubis, nothing is truly sacred — not loyalty, not legacy, and definitely… not love. Warning: Mature content| Obscene languages| Sex| Violence| Drugs
like
bc
Meira: The New Era
Updated at Jul 5, 2025, 00:34
Akala niya taga planet Earth siya. Akala niya taga Pilipinas siya at isa siyang Filipino. Akala niya lang pala ang lahat. Sa isang E-mail nagbago ang buhay niya. Nag-aral siya sa kakaibang school na to, at 'di niya lubos maisip na may ganito pala. Dito niya unti-unting nalaman ang pagkatao niya at nagkaroon ng mga kaibigan. Ang pangalan niya ay Annica Valencia. Isang simpleng bata na may ka- adikan sa online games. Normal na bata sa panahon ngayon. Hanggang sa nalaman niya na may kakaiba pala siyang taglay na kapangyarihan. Halika kayo't samahan natin siyang tuklasin kung saan siya nagmula at kung sino ba talaga siya. A hero will never become a hero, without knowing their own weaknesses.
like
bc
Wolf Pack Series I: The First Howl (BXB)
Updated at Jul 3, 2025, 17:25
We are not training to fight, we train to survive. We are wolf blood and we have in our heart called wolf pride! Malcolm and Zidane are from a rivalry pack. They will be the next Alpha of each pack. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana sa tulad nilang mga taong-lobo. Hindi nila inaasahan ang mamumuong pag-iibigan sa kanila. Nakasaad rin sa propesiya na kapahamakan lang ang kahihinatnan ng lahat. Lalo't pa nariyan ang mga kaaway na handa silang paghiwalayin dahil sa kasakimam sa kapangyarihan. Will love really conquers all? Or Will their love be a tragedy to both wolf packs?
like
bc
Guns vs Romance: Taming the Mafia Princess
Updated at Apr 20, 2023, 09:15
She's their baby girl. The only princess of the Monreux family. Walang balak talaga si Cherry Blossom Monreux mag-asawa. Usap-usapan kasi confuse siya sa kanyang gender preference. Lalo pa meron walong kuya si Cherry na lahat ay mga mafia boss, kaya walang mangahas manligaw rito. Para lumakas pa ang mga clans at mas lalong lumaki ang teritoryong hawak ng mga Monreux, pinagkasundo si Cherry kay Apollo Dela Cerna. Isang malakas na mafia clan sa Latin-America. Ngunit usap-usapan din na iba ang sexual preference ng binata. It's a tie nga ba? O end game na?
like
bc
Guns vs Romance: Orion's Belt (Mafia Series 3)
Updated at Mar 28, 2023, 22:03
He is known as the Hunter in the mafia world. A man who hunts its prey and ruthlessly tortures them. He is Orion Monreux. Will he be able to resist this innocent yet exquisite moon goddess named Cressida Luna? Cressida Luna is a daughter of an assassin Karin Luna and known as agent Ceres in The Hydrangea. Agent Ceres was evicted in The House of Anubis an underground mafia organization by committing treason. She was accused of murdering one the disciple of The House of Anubis. Upang mabigyan ng maayos na buhay si Cressida naisipan ng ina ni Cressida na maglakbay at magtago. Pero ang pagtatago nila ay hindi nagtagal dahil nahahanap sila ng mga organisasyon dahil may patong na malaking halaga sa ulo ng ina ni Cressida. Wala naman itong katotohanan. Ang lahat ay sadyang palabas lamang ng kalaban na grupo na tinatawag na Death Face. Nasali si Cressida sa grupo ng Death Face isang mafia organization na ang layunin ay huwad at puksain ang The House of Anubis. Parehas lang masama ang dalawang grupo. Walang kaalam-alam si Cressida na ang grupong kanyang sinalihan ay ang grupong pumatay sa kanyang ina at grupong tatalikuran siya sa huli. Ito rin ang gumamit sa kanya para makalapit kay Orion Monreux ang tinatawag na the Hunter sa mafia world at The House of Anubis. Ang isa ay gusto maghiganti samantala, ang isa ay may reputasyon na pinangangalagaan at iibig kay Cressida. Ang isa ay handang magbuwis ng buhay para kay Cressida ngunit may lihim na nakaraan na sisira sa tiwala ng dalaga. Love and marriage is like a game of chess. The queen always protects its king. Without the queen, it's a checkmate! "Bigyan mo ko ng 100 days pagkatapos nito, you can decide kung papatayin mo ako o papatayin ako ng sakit ko. It will be an honor to die in your hands, Cress." Disclaimer: Written in Tagalog- English (Taglish)
like