bc

The Masked Groom (Tagalog/Filipino)

book_age18+
285
FOLLOW
2.0K
READ
billionaire
dark
family
HE
arrogant
heir/heiress
drama
sweet
bxg
actor
substitute
like
intro-logo
Blurb

She took her sister's place in a marriage meant to be her ruin.He was supposed to be a dying man-scarred, forgotten, unloved.But nothing about him was what the world claimed.In a world built on secrets, masks, and names that aren't truly ours. . .she never expected to become the one he couldn't let go.Some vows are spoken.Others are forged in fire.

Written in: Taglish

chap-preview
Free preview
Prologue
“PAKAKASALAN mo siya. Tatlong buwan lang. Isipin mo na lang na awa.” Awa. 'Yun ang salitang ginamit nila habang iniaabot ang singsing sa kanya. Tahimik lang si Clara Elodie Ramirez habang nakaupo, pinapanood ang ina na hindi makatingin sa kanya nang diretso. Ang ama niya, hindi mapakali, parang may hinuhusgahang hindi kayang banggitin. Si Vivian. . . ang kanyang ate, naglaho na parang bula. Dalawang araw bago ang kasal. At ngayon, siya—ang babaeng itinapon ng mundo, ang aktres na giniba ng isang iskandalo—ang kailangang sumalo ng lahat. Hindi man lang siya tinanong kung gusto ba niya ito. Basta na lang napagdesisyonan ito ng magulang niya para hindi mapahiya sa mga Alonzo. Isang makapangyarihang pamilya sa buong Southeast Asia. Batikan sa cruise line industry business. Sila ang may hawak ng mga naglalakihang cruise ship na naka base sa Singapore. Ang Alonzo Voyagers. Tatlong buwan. Kasal sa isang lalaking hindi pa niya nakikita. Wala ni isang litrato. Ang sabi, may sakit. Halos mamamatay na. May pilat sa mukha na hindi raw matanggap ng sinuman. Walang media. Walang kasiyahan. Walang pag-ibig. Wala nang nagawa si Clara kung hindi sundin ang magulang niya. Parang isang tuta lang siyang pinamigay ng magulang niya at napakasakit ito sa kanya. Sobrang bilis ng mga pangyayari, kasing bilis ng eroplanong lulan siya ngayon. Isang private jet papunta sa isang isla. Paglapag ng eroplano sa isang Airstrip sa Camotes Island, sinalubong siya ng katahimikan. Walang mga alalay. Walang banda. Tanging alon, hangin, at isang itim na kotse na naghihintay sa dulo ng runway. Pinagmasdan niya muna ang malawak na karagatan. Kinuha niya ang kanyang cellphone at saka ibinato ito doon sa bangin. Bagong lugar. Bagong buhay. Bagong pag-asa. Ito na lang ang nasa isip ni Clara. Pagdating sa mansyon, binuksan lang ang pinto. Walang nagpakilala. Walang seremonya. At doon niya siya'y nakita. Isang lalaki sa dulo ng pasilyo. Nakatayo, tahimik, nakasuot ng itim mula ulo hanggang paa. At sa mukha niya—isang kalahating itim na maskara. Makintab, malinis, walang kahit anong bakas ng pagkatao. Hindi siya lumapit. Hindi rin nagsalita. Tinignan lang siya nito, mahigpit, tahimik. Si Clara, na sanay sa mga kamera at script, ay walang nasambit. Magulo man ang isip. Kailangan niyang lakasan ang loob niya. Para makabalik siya muli nang may taas noo sa industriyang tinapaktapakan siya. Wala nang atrasan ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Devirginizing My Hot Boss

read
117.0K
bc

YAYA SEÑORITA

read
12.4K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.5K
bc

The Real About My Husband

read
35.4K
bc

FALLEN VOWS ( SPG)

read
5.1K
bc

Falling to the Virgin Single Mom

read
10.9K
bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
25.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook