Hemira III 65 - Mapayapang Pagsasama-sama Kinabukasan... (Sa may puno ng Abidos sa likurang bahagi ng palasyo ng Gemuria) Nakaupo lamang sa damuhan sila Serafina, Hemira at Eugene at nakaunan sa hita ni Hemira ang nakahigang si Yohan. Hinahaplos nito ang buhok nito. Si Ariadne naman ay nakaunan din sa hita ni Serafina at katabi naman ni Eugene ang nagpapahingang Leon na si Kirion. Nakasandal ito sa mabalbon nitong katawan. Tahimik lamang silang anim habang pinagmamasdan ang magandang tanawin sa malayo. Napakasarap ng hangin na umiihip sa kanila at ang kapayapaang akala nila'y hindi na nila matatamasang muli ang bumabalot sa kanilang magkakaibigan at sa lugar na iyon. Isang dahon mula sa punong Abidos na sinasandalan ni Hemira ang lumapag sa noo ng nakapikit na si Yohan. Hindi ito na

