Hemira III 64 - Bago ang Huling Kabanata Matalim pa rin ang tingin ni Ariadne kay Kirion habang kuyom na kuyom ang kaniyang mga kamao. Ilang sandali rin siyang nakipagsukatan ng tingin dito ngunit huminga siya nang napakalalim saka malakas na ibinuga iyon. "Hindi na kailangan. Wala rin naman ako sa wisyo na makipaglaban pa muna matapos ang lubos na nakakapagod na mga pangyayari sa Eurus." Umayos na siya ng tayo at kumalma na ang kaniyang ekspresyon. Wala nang bahid ng galit doon. Nangunot naman ang noo ng Leon. "Sigurado ka?" "Oo ngunit sa susunod na insultuhin mo pang muli ang aking kakayahan ay hinding-hindi ko na talaga palalagpasin pa iyon!" Napangiti naman ito. "Hindi pa man ako humihingi ng tawad ay mukhang ibinigay mo na iyon nang kusa sa akin. Huwag kang mag-alala dahil tata

