Hemira III 58 - Dating Matalik na Kaibigan (Sa palasyo ng Gemuria) "Mga mamamayan ng Gemuria, batid ko na napakatagal n'yo nang nais marinig sa akin ang mga kasagutan sa napakaramig mga katanungan na gumugulo sa inyo at ngayon ay malilinawan na kayo dahil mayroon nang mga taong makakasagot ng mga iyon," anunsyo ni Herman sa napakaraming mga tagaGemuria na nakaabang sa harap ng palasyo. Siya'y nakatayo sa malaking bulkanahe ng ikatlong palapag ng palasyo at kaniyang katabi si Devora at ilang mga kawal. Umugong ang usapan ng mga tao sa ibaba. "Mahal na hari! Ang pinakanais naming malaman ay tungkol sa totoo ninyong anak na si Hemira! Marami ang kumakalat na masasamang balita ukol sa kaniya at lubos nang hindi nagugustuhan nang marami ang mga iyon!" lakas loob na sabi ng isang ginoong aba

