Hemira III 59 - Madilim na Nakaraan "H-he-heronio?... P-paanong..." hindi maituloy ni Handro ang sasabihin dahil sa labis na hindi pagkapaniwala na makita ang dating kaibigan na kaniyang tinraydor noong maatasan silang kunin ang bato ng regnum sa bundok na kinalalagyan niyon para isalba ang kanilang bayan. Suot nito ang kasuotang huling natatandaan niyang suot nito noon sa bundok na pang-aba at tila ba hindi rin ito tumanda katulad ng kaniyang mukha. "H-hindi maaari... M-matagal ka nang patay..." halos pabulong niyang wika. "Ano ba ang naging dahilan at humantong ka sa ganitong kalagayan Handro? Ano ang nagtulak sa iyo upang mamuhay nang ganito kasama?" tanong nito. Doon ay unti-unti na siyang nakabawi sa kaniyang pagkabigla at nakuyom niya nang mahigpit ang kaniyang mga kamao. Nagta

