Hemira III 55 - Pagbilang ng Tatlo (Nangyayari kina Yohan) "Kaawa-awa naman ang manggagamot na iyon." Napapalatak pa si Handro habang napapailing-iliing. "Dahil iniharang niya ang kaniyang sarili nang umatake ang diwata ng apoy sa direksyon nila ng Gent na iyon ay halos malusaw tuloy ang kaniyang likuran. Hindi niya na sana iyon ginawa. Siya pa naman ang ikalawang tao na pinakamahalaga sa labanang ito sa dahil siya ang gumagamot sa inyo." Halatang nakabawi na kaagad ito sa mahikang palaso niyang tumama rito kanina lamang. Napakuyom ng mga kamao si Yohan sa narinig mula rito. "F*ck! Ano ba kasing nangyayari kay Ariadne?! Bakit niya kinakalaban si Hemi—?! Teka... H-hindi kaya..." Natigilan siya nang may maisip at napatingala sa nakalutang lamang sa ereng si Handro. Nanlalaki ang kaniyang

