Hemira III 40 - Treas, ang hari ng Esriga ~Hemira~ "WAAAHHH! HALIMAAAAAW!" sindak na sindak na sigaw ni Vargo nang makaharap na ang naka-anyong leon na si Kirion. Dahil sa pagtawag niyang halimaw rito ay mas lalong lumaki ang itim na mahikang usok sa paligid nito. Nangangatog man ang mga tuhod ay nagtatakbo kaagad siya muli pababa, hindi alintana ang pagsalubong sa akin at sa iba pang mga nais humuli sa kaniya rito sa ibaba subalit bigla siyang lumiko ng direksyon habang nagsisisigaw pa rin. "GAAAAAAWWWWRRR!" atungal muli ni Kirion at tumakbo ito upang siya'y habulin. Sinusundan siya nito base sa kaniyang boses at pagsisigaw. Nagsigawan at nagsi-alisan din ang lahat ng mga gladyator na katabi ko sa takot kaya ako na lamang ang natira rito sa aking puwesto. Lumapit naman kaagad sa aki

