Hemira III 41 - Tubig Mula sa Ulap ~Tagapagsalaysay~ Nagtaka si Dekel sa reaksyon ni Serafina at sa matanda. Napatigil din si Yohan nang marinig ang sinabi nito. Lumapit ito sa kanila. "Tama ba 'yung narinig ko Serafina? Siya 'yung hari ng kaharian n'yo noon?" Hindi kaagad nakasagot ang Asas dito dahil sa sapagkatigagal nang sobra. "Kung gayon ay ikaw si Serafina na kahuli-hulihang natira sa lahi ninyong karimarimarim na mga Asas!" sigaw ng matandang lalaki na idinuro pa si Serafina. Nakuha nito ang atensyon nang marami hanggang sa napatigil na ang lahat at nakatingin na sa kanilang puwesto. Pati sila Hemira ay naalarma rin kaya tumakbo ang mga ito papunta sa kanila. "Ikaw rin ang nagsabi sa hari ng Gemuria na ipahuli ako dahilan upang lisanin ko nang biglaan ang aking kahariang Es

