Hemira III 50 - Poot ng Fae Lubos na hindi makapaniwala si Yohan nang makita ang Gent na marunong gumaya ng iba't-ibang mga tao. Ito ang Gent na gumaya sa kaniya upang pagtakpan ang pagkawala niya sa palasyo ng Gemuria noong sinusubukan niyang ibalik ang alaala ni Hemira noong nasa kamay pa ito ni Handro. Ito rin ang dahilan kung bakit mas kumumplikado ang relasyon nila ni Ceres dahil sa pag-ibig nito sa prinsesa sa kaniyang anyo. "Anong ginawa mo rito?! Bakit ka nagpapanggap na si Ceres?!" Litong-lito siya dahil wala siyang maisip na dahilan kung bakit ito mapupunta roon ngunit nang may maisip ay namilog muli ang kaniyang mga mata. "Huwag mong sabihin na nakarating ka rito sa paghahanap kay Ceres?!" Nanghihinang umiling-iling ito. "Hindi prinsipe... Binihag nila ako isang linggo na ang

