Hemira III 51 - Mga Kakampi (Sa bungad ng karagatan ng Parthenios sa Eurus) "Heneral! Paano tayo makakapasok ng Eurus?! Nakaabang na sa atin ang napakaraming mga Keledones sa dalampasigan niyon!" hangos na balita ni Fedor mula sa itaas ng barko kung saan mayroong mga tumatanaw na mandirigma sa kontinenteng kanilang pakay. Hindi naman umimik si Abun at nakatingin lamang ito sa tinititigan nitong dalampasigan ng Eurus kung saan napakarami ngang Keledones na ang nakaabang. Narinig nang lahat ng sakay ng barko ang tanong na iyon ni Fedor kaya ang mga ito rin ay naghihintay kung ano ba ang magiging plano ni Abun na kanilang Heneral. Halatang hindi na rin mapakali ang mga ito sa pangamba dahil sa mga Keledones. Samantala si Odin, Seth, Zetes at Piero ay inihahanda na ang kanilang mga gagami

