Hemira III 35 - Limang Kontinente Ang limang kontinente... Ang Senta (gitnang kontinente), Boreas (hilagang kontinente), Zephyrus (kanlurang kontinente), Eurus (silangang kontinente), at ang Notos (kontinenteng timog). Sa kontinenteng Senta matatagpuan ang Gemuria at maraming lahi ng mga mabubuting nabubuhay ang naninirahan dito katulad ng mga maheya, diwata, nimpa, pixias, gent at iilang mga ordinaryong tao. Mayroon itong apat na panahon, epekto ng mga kontinenteng nakapalibot dito. Sa kontinenteng Boreas matatagpuan ang kaharian ng Priam. Iyon ang kahariang binisita nila Hemira at Yohan kung saan natagpuan nila si Nero at nakilala nila si haring Atreus, prinsipe Theo at ang bunsong prinsipeng si Zenon. Taglamig lamang ang panahon doon at kahit kailan ay hindi iyon nasisinagan ng ara

